Maaga pa lang ay gumising na si Jonathan upang tapusin ang kanyang mga school works. Hindi niya maiwasang ngumiti nang maalala niya ang nangyaring kaganapan kahapon. Ang pagkapanalo, Ang ngiting sumilay sa mga taong mahal niya.
Kanina pa siya tinatawag sa baba upang kumain ng agahan ngunit mas pinili niyang unahin ang mga gawain. Hindi na kasi pwedeng mag-aksaya ng oras dahil bukas na ang deadlines ng karamihan sa proyekto niya.
Back to normal nanaman ang lahat ngunit masaya niyang sinimulan ang panibagong araw. Hindi niya napansin nag tumatakbong oras dahil sa dami ng projects. Porke't malapit na ang Christmas break talagang sinusulit na ng profs ang pagbibigay ng gawain.
Saglit niyang ibinaba sa study table ang notes na sinusulat niya saka kinuha ang larawang nakaipit sa The Last Chance.
"Alam kong masaya ka dahil masaya na 'ko ulit ngayon. Hinding hindi kita makakalimutan Lo." wika niya sa kanyang sarili.
Iginala niya ang kanyang paningin sa kwarto hanggang sa mahagip ng mata niya ang orasang nakasabit sa dingding.
Shit!
Anong oras na pala! Mahuhuli na siya pupuntahan niya. Agad siyang bumalikwas sa pagkakaupo saka nagmadaling pumunta sa banyo upang maligo.
Paglabas na paglabas sa banyo, Naghanap kaagad siya ng susuotin. Hindi na siya nag-abalang plantsahin pa ito. Maingat niyang kinuha si Arden, Ang gitara niya at sinukbit sa balikat.
"Oh aalis ka pala ba't hindi ka muna kumain dito?" bungad ng kanyang ina nang makita si Jonathan na nagmamadaling bumaba sa hagdanan.
Dali-dali siyang lumapit sa mesa at kumuha ng tatlong pirasong tinapay at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina. "Hindi na Ma, nagmamadali ako. Uwi rin ako agad!" wika niya habang papalabas ng pintuan saka sinubo ang isang tinapay.
May sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para lumingon. Nagmamadali na talaga siya.
Sinalpak niya ang earphones sa kabilaang tenga at sumampa sa bisikleta. Kahit na hindi na ito mapakali sa pagmamadali, hindi niya naiwasang mapangiti.
"Tama ka. Tayo ang magtutulungan."
Hindi lalagpas ng kinse ang mga tao. Kasalukuyang nasa likod ng college building ang lahat. Mabilis kasing nagkalat ang mga poster na ipinamigay nila bago sumapit ang weekends. Kahit papa'no may gustong sumubok..
Napangiti siya sa naisip.
Abala ang mga kasama niya kaya hindi nila napansin si Jonathan na pumunta sa maliit na espasyong natira sa ginawa nilang mini stage. Hindi siya basta makikita do'n dahil sa disenyong tela na nakatabing. Sumandal siya at pasimpleng sinilip ang mga kaganapan.
Hindi nagtagal ay may lalaking pumunta sa stage. May hawak na gitara.
"Okay anong pangalan mo, edad, sa'n ka nakatira at anong motto mo sa life hihi!"
Napailing na lang si Jon sa likod habang tinatanaw si Felicity na prenteng nakaupo sa tapat ng mini stage habang may hawak na lapis. Lalo siyang gumaganda..
"Michael Paredes, 18 years old, taga Villa Clemente. Ang motto ko Ms.beautiful ay Gawin mo na ngayon, Pagsisihan mo mamaya."
Natawa ang ibang nanonood.
"Anong kakantahin mo Pards?" Seryosong tanong ni Charles ng hindi man lang inaalis ang tingin sa papel na binabasa niya.
"Black Hole Sun by Soundgarden tol." sagot ng lalaki habang inaayos ang tono ng kanyang gitara.
BINABASA MO ANG
Brightest Star
Teen FictionAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...