Sirius 14

12 2 0
                                    

Nagpatuloy ang araw at wala silang ibang ginawa kundi magtawanan at magpractice. Mas inuna nila ang ipeperform sa kaarawan ng nalalapit na debut ni Felicity. Binabalak na rin nilang gumawa ng kauna-unahan nilang kanta sa darating na Enero. 

Dumaan ang Noche buena at gaya ng napag usapan ay nagdiwang si Charles kina Samuel. Para sa binata ay ito ang pinaka masayang pasko kahit na hindi pa rin sila magkasundo ng kapatid niya ang kanyang Ina. 

Pinangako niya sa sarili niya na balang araw, Magagawa siyang ipagmalaki ng mga taong inaasahan niya. Magagawa siyang suportahan at tanggapin ang desisyon na ginawa niya sa buhay.

Wala naman kasi siyang masamang intensyon. Nais niya lang tuparin ang matagal na niyang pinapangarap bakit parang pinagkakaitan pa siya? 


"Angas ng coat mo Man!" puri ni Michael kay Laurence. Ngayon ay magkakasama na ang buong Sirius. Napag-usapan nilang sabay-sabay na pumunta sa venue kung sa'n gaganapin ang debut. 


"Lalo ka naman! Halatang nagpapagwapo kay Felicity Nayy!" 


"Hoy mga gunggong ano hindi pa ba  kayo sasakay?" singit ni Charles saka pumasok sa tabi ng driver's seat. 


Nagkatinginan pa ang dalawang binata bago pumasok sa likuran. Tahimik lang na nakasandal si Jonathan habang may nakasalpak na earphone sa kanyang tainga. 


Ngumisi si Samuel at binuksan ang speaker na nilagay lang nila sa sasakyan. Sira na kasi ang mismong radyo nito. Nagpatugtog siya ng malakas kaya nakabusangot si Jon na tanggalin ang earphone niya. 

Sumabay ang apat sa kanta habang nasa biyahe. Inaasar asar nila si Jon. 


"Si pards Jon talaga pinaka excited dito eh." Iling-iling na sabi ni Charles.


"Oh pre halatang namumula takpan ang mukha!" sawsaw ni Laurence kaya nagtawanan nanaman sila. 


"Tigilan niyo ko please lang." 


Kinabukasan kasi matapos ang Noche buena ay magkasama nanaman silang apat. Akala mo mga bata dahil kumatok pa sa mga bahay bahay para manghingi ng pamasko. Aba! Sisihin nila si Laurence dahil siya ang may pakana no'n. Buraot talaga. 


Nang makarating sila sa venue ay naka set up na ang gagamitin nilang instrumento mamaya sa tabi ng entablado. Napaka ganda ng paligid. Pinuno ng bulaklak ang bawat corner ng hagdan. Do'n siguro maglalakad ang dalaga mamaya. 

May nakasabit na iba't-ibang kulay na ilaw sa paligid, Nakadisenyo ang kandila at bulaklak na nakaayos sa bawat mesa. Sa baba ng stage ay nakalagay ang malaking lettering. Felicity 18. 

Bumungad sa kanila ang mga taong nagkakasiyahan. Mukhang ang iba ay kamag anak pa ng dalaga na bumiyahe pa. 


"Oh mga hijo maupo na kayo, Tamang tama lang ang dating niyo dahil limang minuto na lang magsisimula na ang program." wika ng Ina ni Felicity. 


"Salamat po Tita."  sabay sabay nilang sabi.


"Tita habang tumatagal eh mas lalo kayong bumabata!" Nakangiting sabi ni Michael. 


"Nako ikaw talaga! Napaka bolero mo! Sya sige tawagin niyo lang ako pag may kailangan kayo ha? Aasikasuhin ko lang ang mga bagong dating."

Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon