Mabilis na nagdaan ang mga araw at naging mas abala si Jonathan. Lalo na't sabay-sabay niyang inaasikaso ang pag-aaral, pagtatrabaho at pag-eensayo sa darating na kompetisyon. Bagaman may mga oras na nahihirapan siya, Nanatili itong matatag dahil sa mga salitang pinanghahawakan niya. Salita na hindi niya inaasahang magmumula sa kanyang ama.
Ang kanyang ibinibigay na ngiti sa mga taong nakapaligid sa kanya ay tila isang malaking pagbabago para sa lahat.
"Handa ka na ba anak?" tanong ng kanyang Ina habang inaayos ang manggas ng kanyang suot. Ito na ang kanilang pinaka hinihintay. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang Tinig Competition.
Hindi niya maipaliwanag ang kanyang kaba. Pansin iyon ng mga kasama niya kaya naman pinapangiti nila ang binata.
Tumango si Jonathan at nagpakawala ng buntong hininga.
"Kaya mo 'yan.. Ikaw pa ba!" singit ni Felicity. Pilit pinapagaan ang kanyang kalooban.
Napatingin siya sa lalaking biglang umakbay sa kanya. "Huwag kang mag-alala Pards. Lalakasan namin ang pagcheer para sa'yo!" wika ni Charles. Sumang ayon naman ang buong Sirius na kasalukuyang nasa kusina ng bahay nila at kumakain. Matatakaw talaga.
"Salamat." tipid niyang ani.
Matapos siyang ayusan ay umakyat muna siya sa sariling kwarto upang pagaanin ang kalooban. Paikot-ikot ito na tila parang nababalisa.
"Kaya ko 'to.."
"Alam kong kaya ko 'to.. Nag ensayo ako.."
Turan niya sa sarili. Hindi na nag-abalang kumatok si Felicity at biglang pumasok ang dalaga sa kanyang kwarto. Bakas ang pamumula sa kanyang pisngi.
"Fel.. Anong ginagawa mo dito?"
Nagbikit balikat lang ang dalaga at umupo sa tapat ng kanyang study table saka pinihit ang upuan paharap sa kanya.
"Kinakabahan ka pa rin ba?" tanong ni Felicity.
Bahagya siyang tumango. "Huwag na lang kaya akong tumuloy?"
Pinalo niya ang binata sa braso. "Baliw! Nand'yan ka na kaya ituloy mo na." Tuluyang tumayo ang dalaga para mas lalong makalapit sa kanya. "Marami kaming naniniwala sa'yo okay? Susuportahan ka namin at kahit na ano man ang maging resulta, Hindi magbabagong ikaw pa rin ang star ko."
Ngumiti si Jonathan. Talagang maswerte siya sa mga taong nariyan at naniniwala sa kanya. Nakaramdam siya muli ng lakas ng loob.
"Salamat Fel."
Hindi siya tumugon. Nanatili ang kanyang tingin kay Jonathan. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi saka mas lalong lumapit sa binata.
Tila nagyelo bigla si Jonathan sa kanyang kinatatayuan at hindi siya makakilos. Dama niya ang pagbilis ng puso dahil lumapit si Felicity. Lalong nanlaki ang kanyang mata sa biglaaang paghalik sa kanya ng dalaga sa pisngi.
"Galingan mo ha!" wika niya saka mabilis na nagtungo sa pinto para lumabas.
Naiwang tulala si Jonathan. Unti-unti niyang sinapo ang sariling pisngi. Hindi niya namamalayan ang matamis na ngiting sumisilay sa kanyang labi.
Isang pasada pa ang ginawa niyang pag-ensayo sa kwarto saka nila napagpasyahang umalis na. Upang magkasya sila, Ginamit nila ang sasakyang HiAce ni Mang Iboy na siya rin ang nagmaneho. Masaya silang nagkantahan. Sinusulit ang sandaling biyahe.
Malakas na musika at maaliwalas na dekorasyon ang bumungad sa lahat nang makarating sila sa bayan. Unti-unting dumarami ang mga tao kaya bago pa sila maubusan ng pwesto ay mabilis silang pumunta sa upuang malapit sa entablado.
BINABASA MO ANG
Brightest Star
Teen FictionAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...