"Jon, lapit na ng Christmas break no?" saad ni Felicity. Kasalukuyan silang naglalakad sa hallway papunta sa kanilang classroom. "Sa'n mo balak magbakasyon?"
Nagkibit balikat siya, "Sa bahay lang, Tyaka magfu-fulltime ako sa trabaho". Ngumiti ang dalaga at humarap sa kanya, "Ang sipag mo talaga! kaya proud na proud sa'yo si Tita eh."
"Pero sana mag-enjoy ka rin, namimiss ko na yung ngiti ng bestfriend ko." Kinurot ni Felicity ang pisngi niya at humalakhak. Sinamaan siya ng tingin ni Jonathan at hinawi ang kamay nito. "Ano ba Fel, masakit."
"Biro lang! ikaw naman kasi palagi kang seryoso." Umirap siya. "Ay oo nga pala! may chika ako sa'yo, may crush na 'ko." Binigyan niya ng mukhang nagtatanong si Fel.
Simula noon ay ganito na ang eksena nila. Makikinig siya sa mga kwento ng kanyang bestfriend habang ito ay nagpapakatorpe at hindi maamin-amin ang nararamdaman sa dalaga. Lalo naman ngayon na nasa punto siya ng pag-aayos ng kanyang sarili. Masyadong komplikado ang lahat, Hindi niya gustong madamay ang kaibigan sa dilemma na kinakaharap niya ngayon.
"Si Samuel Cativo." Tumawa ng mahinhin si Fel animo'y kinikilig.
Samuel? Sino naman yun? Nahalata niya ang matang nagtatanong ni Jonathan. "Hindi mo yun kilala sigurado, nasa kabilang building siya eh, STEM student. Graduating na rin gaya natin."
"Pa'no mo nakilala?"
"Inutusan kasi kami ni Prof na kunin ang Journal, eh di ba nando'n office niya, kaya napadako kami tapos nakita ko siya. Grabe Jon ang pogi!"
Napailing na lamang siya sa kwento nito. Kahit kailan talaga ay hindi nagbago ang kanyang kaibigan. Paniguradong wala pang isang linggo ay malalaman niyang close na sila ng crush na tinutukoy niya.
Nang makarating sa kanilang classroom, wala siyang ibang ginawa kundi makinig at magtake notes. Alam niyang kinakailangan nitong mag-aral ng mabuti upang makakuha ng scholarship para sa kolehiyo.
Wala itong oras para ilagay sa bokabularyo ang salitang, "Enjoy" o kaya "Party", Ganitong isa siya sa inaasahan ng mga magulang. Hindi naman sila mayaman para magpa-petiks petiks lang. Lalo na ngayong may diabetes ang kanyang ama kaya hindi ito makapagtrabaho dahil sa panghihina. Hindi rin sapat ang sweldo ni mama sa pagiging kagawad sa subdivision nila.
Mahalaga ang bawat segundo kaya 'di na dapat isinisingit ang mga bagay na alam niyang hadlang sa plano para umahon.
Nang matapos ang klase ay hindi siya pumunta sa Canteen, Wala itong gana kumain at blangko ang emosyon na ipinapahiwatig ng kanyang itsura. Parang may kulang. Parang ang bigat sa loob.
Sa hindi malamang dahilan, hinayaan ni Jonathan ang kanyang paa na dalhin siya sa kung saan saan. Tahimik itong naglalakad at hindi pinapansin ang mga tao sa paligid. Hindi naman sa pagiging Introvert, ngunit mas prefer niyang makipag-usap lang tungkol sa mga importanteng bagay.
Huminto siya sa pinaka huling silid sa 3rd floor. Paulit-ulit niyang binasa ang nakasulat dito. Music Room. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at bumungad sa kanya ang walang katao-taong silid ngunit kumpleto ang mga instrumento na nando'n.
BINABASA MO ANG
Brightest Star
Teen FictionAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...