Sirius 13

19 2 0
                                    

"Cheers!" sabay sabay nilang sabi saka ininom ang hawak na beer. Kasalukuyan silang nasa Country KTV. 


"Para sa nalalapit na tagumpay!" Sigaw ni Michael. 


"Para sa nalalapit na tagumpay!" ulit naman ng lahat. 


"Akalain niyo 'yon Pards tutugtog na tayo sa harap ng mga madlang people!" masayang ani ni Charles kaya nagtawanan naman ang lahat. 


"Oo nga eh! Ang swerte nitong dalawang tukmol na 'to, Ilang araw lang ang hinintay samantalang kami mga pre, taon! taon ang hinintay namin ah!" wika ni Laurence saka inagaw ang songbook kay Jonathan at Michael. 


Humarap sa kanya si Michael at ngumiti, "Isipin niyo na lang mga Men, Lucky charm niyo kaming dalawa." 


"Tama tama!" pagsang ayon naman ni Jonathan.


"Oh cheers ulit!" ani Charles. 


"Grabe 'di pa rin ako makapaniwala. Gano'n kalaki agad yung audience na makakakita sa'tin. Paniguradong malaking exposure 'yon! Grab the opportunity talaga mga Men." 


 "Kaya makinig na kayo sa'kin nakakita na 'ko ng kanta." sabi ni Laurence saka nagpipindot sa karaoke. 


"Ayusin mo lang ayoko pang mabingi eh." singit ni Samuel saka sumandal sa coach. Siya pa ang naging target ng lahat para pagbayarin sa lounge. Mga kuripot talaga. 


"Napaka panget ng ugali mo pre. Dedicated nga sa'yo 'tong kakantahin ko eh nang masulit naman ang binayad mo!" humalakhak pa siya saka umayos ng tayo. 


Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka Makasama ka

Yan ang panalangin ko


Napangiwi si Samuel habang nags'slow dance pa si Laurence. Nagtawanan ang lahat sa tinuran ng binata. 


"Aba! May future pala 'to mga men! Ipasok  kaya natin 'to sa Cafe para maka engganyo ng customers!" sabi ni Michael kay Jonathan na kasalukuyang kumakain ng liempo. 


"Ayokong may isa pang maingay na ipasok." iiling-iling na sagot ni Jon. 


"Igiling mo pa Men gan'yan nga d'yan mo na lang ibawi pagkasintunado mo!" 


At hindi papayag ang pusong ito

Mawala ka sa 'king piling

Mahal ko iyong dinggin


Masayang pinagmasdan ni Charles ang mga kasama. Lahat sila ay may kanya-kanyang pangarap. Ang iba gustong may patunayan sa sarili, Ang iba nais ipakita sa lahat ang kanilang talento. 

Napailing na lang siya. Sulit ang paghihirap at pagod na napagdaanan nila. Ilang beses siyang umasa na sana mapagbigyan sila ng pagkakataon at ngayon ito na. Ito na ang hinahangad nilang lahat.

Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon