I knew from the first time, I'd stay for a long time 'cause
I like me better when I'm with you.
"Aba'y napaka ingay mo ke'aga aga!" Tumingin si Laurence sa kanyang ama. "Sorry naman! Na last song sydrome ako sa patugtog ni Chaning eh!" pagtukoy niya sa kanyang pinsan.
Kinuha nito ang kape na nakalagay sa mesa. "Nga pala Laurence yung sinasabi ko sa'yo ha." Ito nanaman ang walang sawang paalala sa kanya. " Aba sinasabi kong malaki ang oportunidad mo pag do'n ka nagkolehiyo."
Bagsak balikat siyang umupo sa tabi nito at saka pinatay ang Music player. "Ayoko nga lumayo. Sino naman kasama ko do'n?" iritable niyang tanong.
"Si Chaning nga! Hindi ka talaga nakikinig sa Tito Robert mo."
"Bakit kasi sa America pa? 'Di ba pwedeng dito na lang sa Pinas?"
Binutakan siya ng kanyang ama. "Hindi pwede dahil do'n gusto ni Chaning mag-aral." Sapo niya ang kanyang batok. Aray naman!
"Bakit kasi ako pa ang kasama? Eh ayaw ko nga do'n sinabi ko po sainyo." Akmang babatukan sana siya ulit pero hinarang niya ang kanyang dalawang braso. "Tama na may contest ba kayo ni Charles na paramihan ng batok sa'kin?"
"Hindi ka kasi makausap ng seryoso."
"Seryoso nga 'ko Pa, Pramis ayoko talaga do'n ba't niyo ba 'ko pinipilit?"
Iritableng tiningnan siya ng ama. "Samahan mo lang do'n ang pinsan mo. Hindi ka na pwedeng umatras. Aba mahiya ka nga nang dahil sa tito mo may bahay tayo ngayon, Kung hindi niya 'ko pinasok sa kompanyang tinatrabahuan niya eh malamang tag hirap tayo noon pa! Utang na loob ko sakanya lahat ng 'to."
Napakamot lang siya sa ulo habang nakikinig.
"Tyaka napaka swerte mo nga at do'n ka mag-aaral sa ibang bansa. Mas malaki ang oportonidad dapat nga magpasalamat ka pa!"
"Eh aya-"
"Tapos ang usapan. Sa Amerika ka magkokolehiyo. Pwede ba Laurence, ang tanda tanda mo na gawin mo kung ano sa tingin mo ang mas makabubuti sa'yo." Inayos niya ang kanyang suot na polo saka lumabas. Makisig pa rin ang kanyang ama kahit na may edad ito.
Naiwan siyang mag-isa sa salas na may malalim na iniisip. Bigla siyang natigilan nang may umakbay sa kanya. Nang makita kung sino ito ay muli nanaman siyang napayuko.
"Sundin mo na lang kung ano ang sinasabi sa'yo ng ama mo anak. Mas makakabuti 'yon sa'yo."
"May mga maiiwan kasi ako dito Ma. Pa'no na ang pangarap ko sa pagbabanda? Pa'no na yung Sirius? Paniguradong hindi nila 'ko hahayaang umalis."
Bumuntong hininga ang kanyang Ina bago sumagot. "Makakapaghintay naman 'yan Nak. Pwede ka namang bumalik dito pagkatapos ng kolehiyo. Hindi ba't mas magandang unahin ang pag-aaral? Suportado naman kami sa pagbabanda mo pero ito muna pwede?"
BINABASA MO ANG
Brightest Star
Ficção AdolescenteAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...