Sirius 6

41 4 0
                                    

Nang makalayo na ang sasakyan ng Sirius ay napagpasyahan na ring pumasok sa loob sina Beah at Eros. 

"Oh nak, sumunod na lang kayo sa loob ha" saad ng Mama ni Jonathan at pumasok na rin ito. Naiwan silang dalawa ni Felicity sa labas. Sandali silang binalot ng katahimikan na agad naman binasag ni Fel. 

Paimpit itong tumalon ng tumalon habang winawagayway ang kamay sa ere. "Nakita mo yun Jon?! ngitian ako ni Samuel wah!" Pulang-pula ang kanyang pisngi. Nanatiling tikom ang bibig ni Jonathan habang nakapamulsa, pinagmamasdan niya lang ang kaibigan. Parang ewan..

Papasok na rin sana siya sa loob ngunit hinawakan agad siya ni Fel sa braso. "Teka lang naman Jon! Ayaw mo bang maglakad-lakad muna dito kasama ako?" ngiting aya ng dalaga. "Hindi kasi kita masyadong nakausap kanina.. Alam mo na.. Nailang kasi ako sa kanila" 

"Sandali papaalam ako saglit" 

Pumasok si Jon sa bahay at ipinaalam na maglalakad sila ni Fel sa labas. Inasar pa siya ni Eros ngunit hindi niya na pinatulan. 

Nang makalabas siya ay nadatnan niya si Fel na naghihintay habang nakatingin sa kawalan at abot tainga pa rin ang ngiti. 

"Tara na" saad niya at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman si Felicity at iginagala ang kanyang tingin sa paligid. Maya-maya ay nagsalita siya ulit. 

"Hindi ko akalain na sasali ka ulit sa Tinig" tumingin ng may halong galak ang dalaga kay Jon. "Akalain mo yun, makikita kita ulit sa harap ng stage habang kumakanta ka.. di ba yun ang pangarap mo?"

"Sumali ako do'n dahil gusto ni Mama. Pinagbigyan ko na.. Pinipilit kasi ako" 

"Eh ba't ka naman napipilitan? alam naman nating gustong-gus-" 

"Noon Fel. Noon lang.. Hindi na ngayon okay? Marami akong kailangang gawin.. Walang oras para ipagpatuloy yun. Pagkatapos nun, Hindi na 'ko sasali ulit at alam ni Mama 'yan. Kapalit yun sa pamimilit niya" 

Bumagsak ang balikat ng dalaga dahil sa nasabi ng kaibigan. Sinubukan niya namang pilitin  ito noon ngunit hindi siya nagwagi. Nagulat lang naman siya sa balitang sasali ulit si Jon. Nagbakasakali kasi siyang baka ito na nga ulit ang simula. Baka makita ko na ulit palagi yung mga ngiti niya.. Ngiting hindi siya nagdadamot ibahagi noon. 

"Pero masaya ako Jon kasi sasali ka pa rin. Huwag kang mag-alala. Hindi ako mawawala sa laban mo, nando'n ako at ichicheer kita! alam mo namang malakas ka sa'kin" Sinubukan niyang maging masaya ang kanyang tono. "Ang akin lang naman.. Sana ilabas mo 'yang nararamdaman mo. Sana nagshishare ka sa'kin kasi bestfriend mo ko eh. Ayaw ko ng ganito.. Feeling ko wala man lang akong nagagawa para sa'yo" 

"Fel.." 

"Alam kong hindi ka okay Jon.. Kahit ilang ulit mo pang sabihin 'yon sa'kin eh hindi ako maniniwala sa'yo.. Alam mo ba.. nararamdaman kong ang layo layo mo sa'kin kahit kaharap lang kita? Tao ka lang rin naman Jon eh. Ayaw kong nakikita na mag-isa kang lumalaban. Nandito ako oh" dinuro niya pa ang kanyang sarili. "Handa akong makinig sa'yo" 

Tumingin sa kanya si Jon ng may pag-aalala. "Fel hindi naman sa gano-"

"Hindi ako galit Jon ano ka ba! nagsasabi lang ako dito ikaw talaga! Kung hindi ka naman ready na sabihin sa'kin eh hindi naman kita pipilitin no! Ang gusto ko lang iparating, ready akong makinig okay? Hindi ka naman kasi bago sa'kin! Bestfriend na kita 9 years old pa lang tayo" 

Tumawa pa si Fel at bumalik ulit ang tingin sa daan. 

"Sorry.. Magulo lang talaga ang isip ko ngayon" Bumuntong hininga siya. "Parang binabalik kasi ako sa nakaraan. Wala akong ibang maisip kundi baka magmukhang tanga lang ako ulit" 

Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon