Sirius 5

32 5 0
                                    

Maaraw na Sabado ang bumungad kay Jonathan. Agad siyang bumangon sa higaan. Sanay naman ang katawan niyang gumising bago mag alas siete kaya naisipan niyang linisin muna ang kwarto bago bumaba. Paniguradong tulog pa naman ang mga kasama niya sa bahay. 

Mabuti na lamang ay walang pasok ngayon sa pinagpa-part time job niya at natapos na ang paperworks sa eskwela no'ng biyernes ng gabi. Hindi kasi siya ang tipo ng tao na gustong nag-iipon ng gawain. Hanggat maaari dapat nang tapusin 'yon agad dahil paniguradong matatambakan lang siya. 

Sinaksak niya ang speaker at muling nagpapatugtog habang naglilinis. Sinimulan niyang pulutin nag mga chichirya sa stuby table at isa-isang inilagay ng maayos sa basurahan. Sinabayan niya ang kanta habang nagpupunas lamesa, lagayan ng libro at kung anu-ano pa.


I wish I was like you

Easily amused

Find my nest of salt

Everything's my fault


Umabot ng isang oras bago niya matapos ang lahat ng gawain. Pagod itong umupo sa silya na tapat ng study table at tiningnan ang mga librong nakalagay do'n. Halos hindi na niya nga matandaan kung kailan niya pa binili ang mga 'yon. Iginala niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng kanyang kwarto. Hindi naman 'to masyadong malaki at hindi rin naman maliit. Tama lang sa kanya at sapat upang magkasya ang lahat ng kanyang kagamitan. 

Huminga siya ng malalim at kumuha ng isang libro. The Last Chance. Naisipan niyang basahin ito habang nakahiga kaya naman naglakad siya papunta sa kama. Napansin niyang may nahulog na isang larawan mula sa nakasiksik na pahina ng libro. 

Agad niya yun kinuha. Medyo nanlumo siya nang makita ang larawan. Napaupo si Jonathan sa kama at tahimik na tinitigan ito. Ngumiti siya ng mapakla dahil sa alaalang muling gumambala sa kanyang isipan. Kamusta ka na d'yan Lolo? Masaya ka bang ngayong kasama ang mga  anghel?

"Alam mo bang hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang iniwan mo kami." saad niya sa kanyang sarili. "Hinding hindi kita makakalimutan, Lahat ng turo mo mula sa pagkanta at pagtugtog. Kasi 'yon ang pangarap mo sa'kin 'di ba? kaso wala eh. Binigo kita." 


Apat na taon. Apat na taon na ang lumipas simula nang mamatay ang kanyang Lolo. Ito ang nagsilbing number 1 supporter at bestfriend niya mula't mula. Halos do'n na nga siya tumira sa bahay ng kanyang Grandparents dahil nakikipag kulitan ito palagi. Ipinakilala sa kanya ng lolo niya ang Musika. Tinuruan siyang tumugtog, kumanta ng hindi labag sa kanyang kalooban. Masaya siyang natututo at hindi siya nakakaramdam ng pressure. 

Sumali na rin si Jonathan sa mga patimpalak. Lalo itong ginanahan dahil sa mga panalong natatanggap nito. Alam niya kasing 'yon ang magpapasaya kay Lolo. Maayos ang lahat hanggang sa nagkasakit ito. Dala na ng katandaan. Naging matamlay si Jonathan dahil ayaw niyang nakikita na nanghihina ito. Tila parang unti-unti siyang lumalayo sa piling niya. 

May paparating siyang laban no'n sa Tinig Competition ngunit nawalan siya ng gana. Kahit anong pilit niyang mag practice ay hindi siya makapagfocus. Natandaan niya ang huling sinabi ni Lolo nung mga oras na 'yon. 

Alam kong kaya mo yan. Mananalo ka Jonathan at sana maging masaya ka. 

Ginawa niya ang kanyang makakaya. Tumuloy siya sa pagsali sa Tinig Competition. Sa musmos niyang isipan, Nagbakasakali siya na baka kung manalo siya eh gumaling ang kanyang Lolo. Magiging masaya yun ng sobra at makakalabas na ng ospital.

Buong husay siyang tumugtog at pilit na ngumiti dahil sa iniindang sakit. Ngunit nang ina-annouce kung sino ang panalo, agad siyang nanlumo. Bigo ako. Talunan.

Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon