Kapitulo 4

618 30 33
                                    

IKAAPAT NA KAPITULO

Nanood lang ako ng mga movie at series buong weekend.

I did not bother to open my books and notes dahil tapos ko naman na ang mga requirements and as much as I can remember, wala silang pinareading assignment sa amin for a quiz next week.

Napunas ko ang luha nang namatay nga ang bida sa movie.

That morning, I decided to watch the movie na hindi ko tinuloy panuorin kagabi because of Gray.

Habang nagpupunas ng luha, kaagad ko siyang minessage.

Isobelle Palma Rivera: namatay naman 'yung bida. sabi mo joke lang 😭

He was not online pero chinat ko pa rin. Clinose ko 'yung app at nagtingin tingin ng tweets para kumalma. Bwisit. Grabe 'yung iyak ko sa aso.

Napatingin ako sa notif at kaagad itong clinick.

Grant Ayden Samonte: Pinanood mo? HAHAHAHA

Isobelle Palma Rivera: obviously 😭

Grant Ayden Samonte: Oh, tigil na. HAHAHAHA

I reacted 'Haha' on his last message.

Sa gutom ko dahil hindi pa ako kumain ng breakfast ay nagpadeliver na ako. Nagscroll scroll ako sa listahan ng fast food pero wala akong napili doon.

Ano ba mga magaganda dito? Sawa na ako sa mga nasa listahan.

Grant Ayden Samonte: Ginagawa mo ngayon?

Isobelle Palma Rivera: nag-iisip kung ano ang lunch ko.

Kumunit ang noo ko nang ilang beses nagpakita ang typing sa chatroom namin. Mawawala. Meron ulit. Tapos mawawala na naman.

Grant Ayden Samonte: Do you want to eat outside?

Napakurap-kurap ako roon, hindi alam ang irereply. I panicked nang muli akong may nakitang typing. Napapikit ako bago mabilis na nagtype.

Isobelle Palma Rivera: Okay.

Abot abot ang bilis ng tibok ng puso ko pagkatapos kong magreply at binato ang phone sa gilid ng kama sa hiya.

Anong okay?! Anong okay, Belle?!

Nang muli itong tumunog ay mabilis kong kinuha iyon at tinignan.

Grant Ayden Samonte: Will be there in an hour.

Isobelle Palma Rivera: Ha? Susunduin mo 'ko?

Grant Ayden Samonten: Yap (:

Kaagad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I panicked more. Hindi pa ako nakaligo!

I did not bother replying and rushed my way to my bathroom.

Iyon ata ang pinakamabilis na ligo ko sa buong buhay ko. Usually, it will take me a full thirty minutes to take a bath.

Ngayon halos bente minuto lang akong naligo!

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapanic pero ang binuksan kong cabinet ko ay 'yung kung saan magaganda ang mga damit ko.

I choose to wear a high waisted maong shorts and a white t shirt. Tinuck in ko iyon at pinatungan ng black na leather jacket. Medyo malaki ito sa akin. Then I wore my black converse shoes.

Napatingin ako sa weather sa phone ko. It's twenty one degrees celsius, that's why I choose to wear shorts since hindi naman gaanong kalamig ngayon.

I was busy combing my hair nang bigla akong tinawagan ni Peter. It's been thirty minutes since Gray said he'll be here in an our.

Bighani (Kafagway, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon