IKALAWANG KAPITULO
Inayos ko muna ang mga libro ko at notes bago umupo sa swivel chair ko at rineplayan siya.
Isobelle Palma Rivera: hi?
Linapag ko ang phone ko at nakatitig doon habang nagpapakita ang typing sa chatroom namin. Ilan kaya ang kachat nito at the moment? Patuloy ang pag-ingay ng groupchat pero di ko 'to binubuksan since nakamute naman ito.
Grant Ayden Samonte: Assignment na agad?
Nagtaka ako sa tanong niya. Ano ba dapat?
Isobelle Palma Rivera: yeah. why?
Grant Ayden Samonte: Landian muna sana tayo.
Nataas ang kilay ko doon at naikot ang mata. Ang landi.
Isobelle Palma Rivera: ano ba?
Grant Ayden Samonte: Kidding hahahahaha sige tawag ako ha?
Nagtaka ako roon. Ha? Tawag? Bakit? Bakit siya tatawag?
I was about to reply nang bigla na lang itong nagrequest ng video call. Ilang segundo kong tinitigan iyon bago ko sinagot.
Bumungad sa akin ang itsura niya. He was wearing a bt-shirt at parang basa pa ang buhok nito.
Matagal bago siya nagsalita. "Hey. G na?" I breathed in and nodded.
He did not lie, though. We really did our assignment in Math. I did not expect na ang galing niya sa Math! He explained some things to me at mas naintindihan ko pa iyon kesa sa pag-explain ng teacher.
I was the one who wrote our final paper sa bond paper dahil mas maganda raw ang sulat ko, sabi niya. I did not complain dahil sa siya naman ang halos sumagot sa lahat nung problems.
We were done around eight. Hindi pa ako tapos magsulat noon dahil kailangang no erasures at show solution pa with checking.
He was silent habang nagsusulat ako. I'm not even looking at him sa screen ng phone.
Naangat ang tingin ko nang may narinig akong tunog ng guitar bigla. He was playing with it habang nakaharap sa phone niya. I did not know how to react kaya hindi na lang ako nagsalita.
"Done!" I slowly said as I write the last number of the solution. I boxed the final answer and compiled our paper. Kaagad kong chineck kung tama ba ang mga nasulat ko. Tahimik niya akong pinapanood.
"Tapos na." Sambit ko sa kanya. Tumango siya at binaba ang gitara. "Okay, sige. Matulog ka na. Goodnight." Ani. Bahagya akong ngumiti at tumango. "Goodnight."
I waited for him to drop the call pero tila wala itong balak kaya ako na ang nagbaba. Uminom ako ng tubig after that and read some lessons for tomorrow. Mga bandang alas-diyes na ako nakatulog.
I slept peacefully that night.
I woke up around 5:30 and same routine lang ang ginawa ko. Today, ako ang naghintay kay Nathaly. It's our PE day.
I wore my black long sleeve na close neck dahil parang mas malamig ang panahon ngayon and topped it with a gray hoodie.
I was waiting for her outside her room bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Her room is quite nice. Ang girly ng design. I watched her apply some make ups on her face.
Nang napansin siguro iyon ay napatawa siya. "Bakit?" Sabay tanong.
I really don't know how to use make up. Liptint ay pasado pa na magamit ko. Nang hindi ako sumagot ay tumingin siya sa akin. "Lutang?" Natatawa niyang saad nang nakatitig lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bighani (Kafagway, #1)
RomanceKafagway Series #1: bighani (n.) charm; attraction; allurement