UNANG KAPITULO
Tangina.
Ang aga ko kasi, kainis! 6:30 palang o!
Napatingin-tingin ako sa paligid nang may mga magkakasama. I felt sad and suddenly missed my classmates in Junior High.
Sana sila na lang ulit.
I hate changes. Kung may pagbabago, hindi ko alam kung kailangan ko ba dapat sumabay sa pagbabago na iyon or di kaya'y hayaan na lang.
My strand is ABM at sa University na pinasukan ko ay may apat silang section ng strand na 'to. With my earphones on, naglakad ako papasok sa gates ng university. The guards cheerfully greeted us. I greeted back with a smile at patuloy ang paglakad.
Sumalubong sa akin ang cafeteria ng University. Ang dami nang mga nakaupo. Most of the students already have their ID's. Siguro ay mga grade twelve na sila.
Nagulat ako nang biglang may nakabangga sa akin. Napaangat ang tingin ko dito. He's a guy. I immediately raised my guard, in case fuck boy.
"Ay, sorry, ate." Sambit nito at parang nahihiya pa. Napanguso ako. What a softie. Ang cute naman!
"It's okay." Ngiti ko sa kanya. Napatingin ako sa strand shirt niya. Pareho kami. Pansin ko ring wala siyang ID.
"ABM?" Kinapalan ko na ang mukha ko. I need kasama!
Kumunot ang noo niya at ngumiti. "Ah, oo." He then laughed awkwardly. "May kasama ka na?" Malungkot kong tanong. Umiling siya. "Wala. Bagong salta lang din ako dito, e." Sambit. Tumango ako.
Nagkaroon ng katahimikan sa amin. Gosh, ang awkward. "Isobelle nga pala. Belle nalang." Pagpapakilala ko.
"Ako, Peter." Napatawa ako sa pagkasabi niya. Pati siya siguro'y narealize 'yung choice of words niya kaya tumawa na rin.
We managed to get along until we went to find our room. Turns out, kaklase ko siya. How I praised the Lord!
Pagpasok roon ay marami nang nandoon. I looked at my watch. It's 7:48 already. Ang call time ay 7:30. I sighed. I'm not even surprised anymore.
Naupo kami sa second column, third row. May dalawa kaming katabing hindi kilala at ang nasa right side ko ay ang lane.
Kalaunan ay pumasok ang adviser naming babae at nagpakilala. I sighed and tried to avoid being nervous.
Eto talaga ang ayoko sa first day!
"Kinakabahan ako." Napatingin ako sa gilid ko nang biglang bumulong si Peter saken. Nang tinignan ko siya, I felt like I was looking at a mirror. Parang pareho kami ng nararamdamang kaba!
"Ako rin." Ani at hinawakan ang braso niya para iparamdam ang lamig ng kamay.
Peter was nice. Hindi siya kagaya ng ibang mga lalake na kinalakihan ko. He was really respectful kaya ang daling gumaan ng loob ko sa kanya. Ma-kengkoy din.
My nervousness doubled when they already started talking in front. I felt bad for myself dahil ang gagaling nilang magsalita sa harap. They're not even shy to joke around!
After a few minutes, it was already Peter's turn. Swabe itong pumunta sa harap. I silently chuckled nang narinig ko ang mahihinang tili ng mga babae sa room noong ngumiti ito.
"I'm Peter Nieves. 17 years old. I want to become an accountant." Sabi nito. Everyone in the room wanted to be an accountant! Ako, hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit din ako nag-ABM!
Kabadong kabado akong tumayo at pumunta sa harap. They were all looking at me. I breathed in some air before speaking.
"Good morning, I'm Isobelle Palma Rivera. You can call me Belle. I'm 17 and I want to be an accountant." Panggaya ko na lang kay Peter. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos iyon at binilisan ang pagbalik sa upuan.
BINABASA MO ANG
Bighani (Kafagway, #1)
RomanceKafagway Series #1: bighani (n.) charm; attraction; allurement