IKADALAWAMPU'T WALONG KAPITULO
That night, maaga naming pinatulog si Alejandra so that we can celebrate Kuya's arrival. Si Manang Delya ang nagbantay sa kanya sa taas.
I poured another whiskey on my glass pagkatapos lagyan ng ice. Tumingin sa akin si Gray at nagtaas ng kilay. Ngumuso ako at hindi tinanggal sa kanya ang mata habang ininom iyon. Ngumisi siya at umiling-iling.
"Dito na ako, Ma." Sabi ni Kuya Julius. Napatingin ako sa kamay niyang unti-unting tumaas para akbayan si Ate Mika. Nanlaki ang mata ko nang may makitang singsing sa kamay niya.
Is he...
"Dito na kami." He said, finishing his sentence. Naawang ang bibig naming tatlo nin Tita at Lola. Gray remained silent on the other side.
"Ay, e, wala naman kaming problema doon, Apo, pero si Alejandra..." Ani Tita at bumaling kay Ate Mika. "May anak siya, hija. Okay lang ba 'yon sa'yo?" Malambing na tanong nito.
Ate Mika shyly smiled. "Alam ko po at sumama pa rin ako. Mahal ko naman po ang anak niyo." Sambit niya. Nacornihan ako doon at palihim na natawa.
As long as she's nice to Alejandra, wala naman akong dapat na sasabihin. It's Kuya's decision. Kaya na niya iyan.
The night was long at nang nakaramdam na ako ng pagkalasing ay umakyat ako ng kwarto. "Excuse me, po." Rinig kong paalam niya kina Tita. Naramdaman kong sumunod si Gray sa akin. He once again stopped outside, hindi tumuloy.
Kumunot ang noo ko sa pagtaka at tumingin sa kanya. "Bakit ayaw mong pumasok?" I asked.
His expression reflected mine. "Bakit ako papasok?" Nataas ko ang kilay at natawa sabay iling. "Ewan," I answered and shrugged my shoulders.
I went to the comfort room to wash my face and brush my teeth. Pagkalabas ko ay naroon pa rin siya. I pursed my lips when an idea came to my mind.
"Do you want to stay here tonight?" I asked, shamelessly. Nanlaki ang mata niya nang may ngisi sa mga labi. Kaagad ko namang nakuha ang tingin niyang ibig sabihin ko kaya pati ako ay nanlaki ang mata.
"H-Hindi naman s-"
"Oo, oo. Hindi na." Sambit. He chuckled and took a step inside my room. I feel a bit dizzy pero kaya pa naman.
I saw him sat on the edge of my bed habang naghahanap ng damit. "I'll just shower." Paalam ko.
I one again saw his playful smile. "Are you inviting me to shower with you?" He asked with a hoarse voice. Kaagad akong nahiya at humiling.
"Hindi 'no! Diyan ka muna, I mean." I said and rolled my eyes. Mabilis akong umikot at papasok na ng banyo nang marinig ang halakhak niya.
Linock ko iyon at napatingin sa salamin sa loob ng banyo ko. Nahawak ko ang magkabilang pisngi nang makitang namumula ito! Ramdam ko pa ang init niya.
Kaagad akong naghubad upang mabilis na makashower. Doon ako sa loob ng banyo nagpalit ng damit at paglabas ay nakita kong nakadekwatro si Gray sa kama ko habang nilalaro ang phone.
I massaged my wet hair with a towel. Naramdaman ko ang pagsunod ng titig niya sa akin at muli akong namula nang maalala ang sinabi niya sa akin kanina.
Well... hindi naman sa ayaw ko pero.
I mentally shook my head. What the hell, Isobelle?!
Naramdaman ko ulit na nag-init ng pisngi ko at tumingin kay Gray sa likod ko mula sa salamin. Nagulat ako nang nagtugma ang mata namin.
Kaagad akong nag-iwas at nagsuklay na lang ng buhok.
Muli siyang humalakhak. "Why are you blushing?"
Pinilit kong ipakita ang magkasalubong kong kilay kahit na nanginginig ang mga ito. "Can you not tease me?" Nakanguso kong saad.
BINABASA MO ANG
Bighani (Kafagway, #1)
RomanceKafagway Series #1: bighani (n.) charm; attraction; allurement