IKALABING ISANG KAPITULO
We became clingy but still not that showy. We eat together kapag lunch and my friends won't ask anything kahit siguro napapansing parang may iba na. I'm pretty sure they were waiting for us to spill kaysa sila ang magtanong.
Even Peter is silent but I can see his glances and smirks as soon as our eyes would met.
Wala ang ibang mga kaklase ko since they joined the Panagbenga parade since 'OB' sila roon. Means, every quiz or activities that we'll take, exempted sila. Maliban sa Performance Task. They still have to do it. Almost half of our class did, actually. Kaya medyo nahihirapan kaming mga natira sa Research since minsan ay magoovertime na rin sila for practice.
After Panagbenga kasi ay exams na namin. I had no problem, though. I always go through my notes every night and make sure that my notes are complete and I pass my requirements exactly on time.
Gray and I stayed lowkey. Kagaya pa rin ng dati. He would accompany me, like before, at ihahatid ako sa apartment. We sometimes go on dates pero noong Valentines kasi ay umuwi ako.
We both did not remember our first monthsary. Parang tanga lang.
Saka na lang namin naalala noong nagsimula na ang Panagbenga at wala nang pasok.
I stayed in Baguio for the festival since I want to experience it. Madaming umuwing mga kaklase ko na galing sa baba since nalaman nila na halos one week na walang pasok because of the festival.
Nagpaalam naman ako kina Mama at sinabi nilang okay lang na dito ako since wala rin namang ganap sa bahay ngayon.
"What the fuck..." Malungkot kong saad. Ang daming tao!
I heard Gray scoffing beside me. "Now you know why we don't actually enjoy our festival." Ani. May diin sa our. Gulat pa rin akong tumingin sa kanya. It's the first day of the festival at close ang session road since madaming naglalako dito.
Kakatapos lang ng class namin and we decided to go here. Halos mga nakauniform na students galing sa iba't iba university sa Baguio ang nakikita ko.
We started at the left part of Session. Doon kami bumaba at tumaas na sa kabila. Madaming mga benta na gusto ko pero mahaba ang pila sa iba kaya hindi ako nakabili.
We were with Queenie, Nathaly, Allan, Carlos and Noelle. Alios was with Noelle's sister pero bigla silang nawala.
"Asan na 'yung gago?" Tanong ni Lorenzo, hinahanap si Alios. Nagmura si Noelle nang hindi mahanap si Alios tsaka 'yung kapatid niya. "Tinakbo na nga!" Gray joked.
Tumawa si Spenser. "Hayaan mo. Aalagaan naman 'nun." Hindi pa rin nakuntento si Noelle sa sinabi nila. He was calling someone and I'm betting it's either Alios or his sister.
Nang nagmura ulit siya ay paniguradong hindi sila sumagot. Nagtawanan kami at pinatahan naman siya nina Spenser at Lorenzo.
"Hey." Gulat ako nang hilain ni Gray ang baba ko at hinarap sa kanya. "Eyes on me, please?" Naningkit ang mata ko at pabiro kong tinama ang braso ko sa kanya.
"Eyes on the road dapat. Daming tao, o!" Panira ko sa banat niya. Umirap siya at tinanggal ang akbay sa akin. Natawa ako at hinawakan na lang ang braso niya.
Namasyal pa kami sa mga benta roon. When I saw a takoyaki, kahit gaano pa kahaba 'yung pila ay nagstay na kami roon para pumila. Siya ang pumila para sa amin while I stayed away from the walk area.
Tumama ang liwanag ng araw sa kanya since it's already golden hour. I pouted when his eyes met mine habang naiilawan siya sa araw.
Grabe, Lord?
BINABASA MO ANG
Bighani (Kafagway, #1)
RomansaKafagway Series #1: bighani (n.) charm; attraction; allurement