IKADALAWAMPU'T TATLONG KAPITULO
Everything fell apart starting that day.
"Wala na sila..."
It keeps on echoing inside my head. Kumurap-kurap ako. I let out a laugh. Kahit kinakabahan, I forced myself to ask. Kahit may kutob na ako.
"A-Anong ibig niyong sabihin tita?" I asked.
Mas lumakas na ang iyak ngayon ni Tita. Her cries made my heart numb. Tears slowly formed and fell on my eyes.
Tuloy tuloy iyon at walang ingay na narinig mula sa akin habang pinapakinggan ang iyak ni Tita Chen sa phone ko.
"Wala na sila Kuya, Belle..." Sambit.
I did not think twice to travel back home that day. Wala akong kinuha ni isang gamit roon. Naiwan ko ang phone ko at tanging ang pitaka ko lang ang dala ko. Tulala ako sa byahe.
Nalaman ko lang rin na nabenta na ang bahay nang makarating ako roon. I don't know what happened. Gulong-gulo ako noong dumating si Tita sa bahay namin at sinundo ako.
Dinala niya ako sa Dagupan, kasama si Tito Robert and my cousin, Kuya Julius, welcomed me in their house. Tahimik ako at tila wala sa sarili.
Wala pang sinabing detalye sa akin si Tita maliban sa wala na sila. Pinilit kong itanggi ang kung sino mang tinutukoy niya. Pinilit kong hindi intindihin. Na baka umalis lang... kaya wala na...
Naiyak ako nang nakita ko si Lola na nakaupo sa sala nila. She was crying...
Kumunot ang noo ko at pinilit ngumiti. "Ano pong nangyayari? May pinuntahan ba sila Mama't Papa? Dinala si Riley?" I tried to put a positive energy.
Nakita ko ang paglungkot ng mata ni Tita at nilapitan ako upang yakapin. Doon na bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilang tumulo.
"I'm sorry, Belle..." Ani. "I don't what happened pero bigla na lang akong tinawagan." She started explaining.
They called Tita to ask details about my family dahil nadisgrasya sila sa may Naguilian. Mabilis daw ang patakbo ng truck at kahit anong iwas ni Papa sa pagdrive ay nasama pa rin sila. In the end, umikot-ikot ang sasakyan namin.
Papa drove it since they bought a new car. Hindi nila gamit ang Grandia...
I continued crying while Tita is telling me all the things that I should know. Binenta ang bahay dahil may nabiling lumang bahay si Papa sa Baguio.
I covered my mouth to restrain my screams. Hindi ko na alam kung paano ko ibubuhos ang sakit na nararamdaman ko. I screamed to ease the pain pero... nandoon pa rin.
Matagal bago ako kumalma ulit at pinainom ako nina Tita ng tubig. Dinala ako sa panandalian kong kwarto sa bahay nila.
"Sorry po sa abala..." I said to Tito Robert. "No, hija, it's okay. You can stay here. Kahit gaano katagal." Sambit.
Napatingin ako kay Julius. He smiled at me and I did the same. We were not really close since we did not grow up together.
Hindi ako makatulog sa gabing iyon. I can't open any of my social media accounts right now. Nawalan ako ng gana sa lahat.
Muli akong naiyak nang naalala ang huling pag-uusap namin ni Mama at Papa.
I bit my lower lip to stop myself from crying too loud. Nakagat ko ang likod ng kamay nang hindi ko na kayang hindi umiyak nang maingay.
Isa pa. Isa pang 'I love you' ulit. Isa pang yakap ulit sa kanila.
One more time to talk to them. One more time to see their smiles and faces. One more time to scold me. Hindi na ako sasagot. I'll just let them.
BINABASA MO ANG
Bighani (Kafagway, #1)
RomanceKafagway Series #1: bighani (n.) charm; attraction; allurement