Kapitulo 8

565 31 33
                                    

IKAWALONG KAPITULO

The next day, biglang nagkaroon ng emergency meeting ulit ang teachers. Maybe they're having a problem about the schedule of our Foundation Day. Palapit na kasi iyon.

Kinuha ng teacher ang time ng subject namin before lunch kaya kami nagkaroon ng free time. Kakatapos ng defense namin kahapon kaya't wala kaming gagawin. Wala rin kaming quiz.

I was busy playing with my phone nang tumabi sa akin si Peter. "Ano?"

Ngumiti ako at umiling-iling. Nagtaka ako roon kaya tinignan ko siya habang nakataas ang kilay. Kalaunan ay bigla siyang ngumuso sa likod ko.

Nalingon ko iyon at nakitang umupo si Gray sa tabi ni Alios. Nang napansin ang tingin ko ay bumaling siya sa akin at ngumiti. I smiled back and shyly looked at Peter.

Nagpipigil ito ng ngiti kaya agad ko siyang kinurot. "Ar-"

Pinanlakihan ko siya ng mata bago pa niya matapos iyon. Papansin, e!

Nathaly was sleeping habang si Queenie ay nakikipagkwentuhan kina Carlos sa likod. Peter then joined them after. Susunod din sana ako kaso tinulak ako ni Peter pabalik sa upuan, dahilan para matulak nang kaonti ang table.

Gumalaw iyon at nagulat pa si Gray. Ngumisi si Alios at umalis na doon sa table, sumunod kay Peter. Nakatingin lamang ako nang masama kay Peter.

Bwisit na lalake!

Tumikhim bigla si Gray. I awkwardly smiled at him at natahimik kami pagkatapos. Buti nalang, the bell rang. Tumayo ako at nagplanong umalis.

"Bibili ka ng lunch?" Napatigil ako at tumingin sa kanya. My heart jumped when our eyes met. Tumango ako at hinanap ang wallet sa bulsa pero wala kaya agad kong kinalkal sa bag ko.

When I found it, tatawagin ko ma sana si Peter nang bigla ulit siyang nagsalita. "Samahan na kita." It was not a question. It was an offer.

And I'm aware of what he was doing.

I remember Queenie's words. Paasa siya. He already proved it to me. Bibigay-bigay siya ng motibo pero si Celine naman pala ang...

I sighed. I gave him the benefit of the doubt yesterday. Pinagbigyan ko rin ang sarili ko dahil gusto ko. Pero kasi...

"Gray, kung naglalaro ka, please, huwag ako?" Sabi ko. Tila naguluhan siya doon sa sinabi ko. "Anong-"

"Wala." Sabi ko at pilit na tumawa. "Sige, akyat na ako." Mas mabilis pa sa hangin ang pagtakbo ko palabas ng room.

Hindi ko na tinawag si Peter na samahan ako at dire-diretso ang lakad ko. Gosh, ang tanga. Bakit ko sinabi 'yun?!

Kasi naman Belle! Isipin mo!

'Nung mga unang araw, halata namang dumidiskarte siya. Lalo na 'nung inaya niya ako sa labas. Of course, I said yes because I was interested in him. Kaso biglang sabi niyang si Celine 'yung crush niya sa room.

I denied the disappointment for so long at pinilit limutin pero sa ginawa niya kahapon, naguluhan ako. If he's playing games, I'm not interested.

Isang palapag nalang ay nasa canteen na ako nang may humila sa braso ko. "Pe-"

I blinked when I saw him.

It was not Peter.

"Gray." Sambit ko. Hinihingal pa ito, halatang tumakbo. "Bakit?" Tanong ko.

Lumunok ito at binatawan ang kamay ko. "Samahan kitang bibili."

Hindi 'yun ang sagot.

Tumikhim ako at tumayo na lang. Kung ano man 'tong ginagawa niya, I'll just let him but I won't let myself be fooled by his words.

Bighani (Kafagway, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon