Kapitulo 19

447 23 34
                                    

IKALABINSIYAM NA KAPITULO

"Really?!" Masaya kong saad. Tumango si Gray kaya napayakap ako sa kanya. He shifted! Last minute, at buti tinanggap sa office.

Ngayon niya lang sinabi sa akin dahil magkaiba kami ng date ng enrolment. We did not see each other during the summer dahil after ko mag-enrol ay umuwi na agad kami dahil babalikan pa ang ibang mga gamit ko.

"Yes naman, Engineer!" I teased. He smiled and held my waist. Nasa may bukana kami ng bago kong apartment since hindi pwede magpapasok sa loob ng kahit na sino.

It will be our first day tomorrow! Todo message sila Peter at Queenie para bukas. We made a new groupchat. Ako, si Lila, Queenie, Renee, at Peter.

We lose contact with Nathaly. Simula noong graduation, hindi na siya nagparamdam sa amin. I don't know why.

Her social media accounts are still up pero hindi na siya active. We messaged her pero hanggang delivered lang siya. Guess her "I'll miss you" really did hit us. Balak niya bang icut na ang pagkakaibigan namin?

This change pained me. Nathaly was one of my closest friend at ni hindi ko man lang alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Queenie, on the other side, was already okay. Carlos took Nursing sa UB. Lahat kaming nakaalam 'nun ay nagulat.

We congratulated him anyway. "Hanapin mo 'ko ng chix, bro?"

Kaagad kong binatukan si Peter. "Sumbong kita kay-"

"Shhh! Shh! Thou shall not say bad words!" Pagputol nito sa sasabihin ko.

Nagsalubong ang kilay ko at inikot ang mata sa kanya. Sinasabi neto? Wala nga 'yun sa Ten Commandments?! Thou shall, thou shall!

Iilan lang kaming nagsama-sama sa araw na iyon. Ang laking pagbabago 'nun para sa akin. I was used to having Nathaly around. Buti na lang at narito pa rin sina Peter at Queenie.

Gray laughed and hugged me. "Saan mo gusto pumunta ngayon?" Tanong sa akin. Pansin ko ang tingin ng ibang mga taong nakapaligid dito. I almost rolled my eyes.

"Bahay mo?"

"Uh, no."

Kaagad akong tumawa at pabiro siyang sinapak. "Grabe, parang ako pa ang may gusto?!"

Ngumisi siya nang nakakaloko.

What happened on our first anniversary never happened again. Sinabi niya rin sa akin 'yon. He told me I'm not ready yet. Hindi ko maintindihan kaya I just shrugged it off.

"Sige na nga!" Ani.

I wickedly laughed pero nabusangot lang ang mukha ko nang dumating kami sa bahay niya at naroon lang kami sa sala. His dogs were roaming around the house. Bagong ligo ang mga ito.

I opened Netflix on the TV at namili ng papanuorin. Nagluluto ng fishball at kung ano ano pa ang kasambahay nila. He went upstairs to change his clothes. Pagbaba ay nakasuot na ng white na plain t shirt at black basketball shorts.

"Manang, okay na ba 'yan?" Tanong niya mula sa sala at umupo sa tabi ko.

"Tapos na po, hijo!" Ani ng pinakamatanda nilang kasambahay. She's 49 years old. Ngumiti ako nang nilapag niya sa amin ang napakadaming fishball at squid balls.

"Salamat po." I said. She smiled and went back to the kitchen.

Pinalo ko ang kamay ni Gray. "Ay! Bakit?" Tanong niya. Sa pagkapalo ko sa kanya ay nahulog ang hawak niyang stick na may fishball.

"Ang dami nito, hindi natin mauubos!" I exclaimed. Ngumisi siya. "Mauubos mo kaya 'yan."

Nanlaki ang mata ko. "Hoy, grabe! Matakaw ako pero di ko kaya 'yang ganyan kadami!"

Bighani (Kafagway, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon