IKADALAWAMPU'T APAT NA KAPITULO
"Gray, ikaw na ba 'yan hijo?" Ani at lumapit pa sa amin.
Our eyes met pagkabukas na pagkabukas ko roon. Kalaunan ay umiwas ito sa akin at nginitian ang Lola ko.
"Ako nga po." Nakangiti niyang sagot.
"Hala, ang laki mo na, hijo! Ang gandang binata pa rin!" Ani Lola at lumabas na rin ng gate para salubungin si Gray. Tulala ako habang tinitignan sila.
Namungay ang mata ko at parang naiiyak na naman. Bigla ko lang naalala. Papa was also fond of him.
Naningkit ang mata ko nang humangin nang malakas at tinangay nito ang buhok ko papunta sa mukha ko. Gray and Lola were all laughs. Nag-iwas ako ng tingin.
Lola never asked anything about Gray simula nang sa Dagupan na ako nag-aral. She never mentioned anyone from Baguio. Maybe they had a clue on what happened when I went back home na hindi man lang kwinento sa kanila kung ano ang nangyari.
"Halika, pasok ka!" Nanlaki ang mata ko. "Uh, Lola..." I trailed. Nagtinginan kami ni Gray. Our eyes communicated. "May pupuntahan po ata si Gray-"
"Wala! Kain lang naman siya ng meryenda. Hindi naman magtatagal!" Ani Lola. Gray smiled a little at me and nodded. Pinanood ko silang pumasok sa bahay.
I closed the gate and saw Alejandra and Tita looking at our way. May pagtataka sa mga mukha ng dalawa. Lalo na si Alejandra.
"Tita, si Gray po. Kaibigan ko." Pakilala ko.
Nakita kong liningon ako ni Gray pero hindi ko siya binalingan ng tingin. Ano ba dapat? Tita, ex ko po?!
"Ay! Naku, ang gandang binata. Pasok ka, hijo." Ani Tita.
Nakakagulat pa at si Lola ay hawak hawak ang braso ni Gray. My heart fluttered at the view. As if bumalik ulit ako noon. When I felt jealous of how fond my Lola is to Gray.
Nanatiling tahimik si Alejandra at nakatingin kay Gray. Kalaunan ay nagtinginan sila at umiwas ng tingin si Alejandra at tumingin sa akin.
"Ma!" Tawag nito sa akin. "Who's he?" Tanong nito, na parang hindi narinig ang sinabi ko kanina kay Tita. I laughed. "He's my friend, baby." Sambit ko.
Tumango-tango siya at nakangusong tumingin kay Gray. "Hi friend of Ma!" Ani.
Napatawa ako kaonti at sumunod na ring pumasok sa loob.
Lola lied when she said na hindi magtatagal si Gray. Ang tagal nilang nag-usap ni Lola sa kusina at pati si Tita ay naki-usap. Nanatili ako sa sala at nakinood kay Alejandra.
"Saan mo siya nakilala, hijo?" Usisa ni Tita. Irita akong bumaling sa kanila ngunit nakatalikod pareho sina Lola at Tita sa akin. Si Gray lang ang nakaharap sa gawi ko.
Nagtama ang tingin namin kaya mabilis akong umiwas at muling tinignan ang TV.
"Ma, look! I fixed her hair!" Sambit ni Alejandra at lumapit sa akin. She showed me her doll. Nakaayos ang buhok nito. I smiled and brushed her hair with my hand.
"Wow, ang galing naman, baby!" Ani ko at pinanggigilan ang pisngi niya. I kissed her cheeks and blew air on her neck. She giggled and tried to get away from me. "Nakikiliti ako!" Ani at tumatawa pa rin.
I laughed and stopped. Binitawan ko na siya at nakangiti itong lumayo sa akin. "Sumbong kita kay Daddy!" She exclaimed.
I faked a gasped. "I'm scared!"
Umirap ito sa akin at napangisi ako. Ang attitude ng batang 'to.
Nanuod ulit siya nang tahimik at muli akong bumaling kina Lola. Ang seryoso ng mukha ni Gray na nakatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Bighani (Kafagway, #1)
RomanceKafagway Series #1: bighani (n.) charm; attraction; allurement