Kapitulo 10

533 25 34
                                    

IKASAMPUNG KAPITULO

I opened our group chat at nakitang si Queenie ang sinasabihan. Paano, may katawagan pala siya gabi-gabi at hindi man lang niya sinabi kung sino!

Queenie: Kasi majijinx kapag kwinento ko! Chismoso kasi ni Peter. Ish!

Nathaly: HAHAHAHAHAHAHAHA

Peter: hindi ko nga sinasadyang makita 'yung, "baby anong oras kita susunduin after ng party niyo?" HAHAHAHAHA

Isobelle: HAYUP HAHAHAHAHAHAHA KABISADO IH

Queenie: ISH HAHAHAHAHAHA Kapag ito nawala, kasalanan mo Peter!

They continued talking after that. Nang nagpaalam si Gray na kakain muna ay bumaba na rin ako nang tawagin ako ng kapatid ko.

Nang bumaba ako ay iniwan ko ang phone ko sa kwarto. We ate at nagkwekwentuhan naman sila Mama at Papa tungkol sa politika. Lola joined them.

Tahimik kaming kumain ni Riley at minsanan ay binibigyan ng pagkain ang nagmamakaawa kong aso sa baba namin.

"Here, Vanilla." Tawag ko na may hawak na bacon. Kaagad siyang lumapit sa akin dahil doon. I washed the dishes habang si Manang ang naglinis sa sala at sa mga kwarto. Nasanay na lang siguro akong didiretsong maghugas pagkatapos na pagkatapos kumain.

I went back to my room para maligo afterwards. Wala naman kaming planong mag-out of the country ngayon. Pati ang out of town. Siguro dito dito na lang kami sa La Union mamamasyal. I missed the waves, anyway.

Ang mga dati kong kaklase ay nag-aya pero nang mabasang may inuman ay kaagad akong umayaw. I just... don't trust the boys in my batch. Pinilit pa ako ng mga kaibigan kong babae pero humindi talaga ako. Hindi rin naman ako pinayagan ni Mama.

I stayed in my room and surfed on my phone. Nagpaalam si Gray sa akin na maglalaro sila nina Noelle sa bahay nila kaya't hindi siya makakatext if ever. I said okay and then watched random videos and shared some memes on Facebook.

Nag-asaran kami nina Queenie at Peter sa comment section ng mga shinesare namin. Paano, parang may pacontest at paramihan kami ng mga shineshare. Nathaly was busy talking to Allan kaya hindi siya nakasali.

Nagmumura ang mga kaklase namin sa groupchat dahil parang kaming tatlo na lang daw ang laman ng newsfeed nila.

Mabagal na nagdaan ang araw. If I'm bored, I'd go to the beach with Riley and Vanilla. We won't swim pero tatambay lang doon at papanuorin ang mga alon sa dagat.

Minsan, I post it on my stories para may laman naman iyon at para makita nila ang ganda ng San Juan.

Wala akong ginawa noong bakasyon kung hindi matulog, kumain at kausapin si Gray. We greeted each other on both Christmas and New Year. I greeted some of my close friends too. I kind of missed them.

Ang balik ng pasukan ay January 13. Gray's birthday is on January 19. Malapit na rin.

I went back to Baguio two days bago magpasukan. I wanted to surprise Gray kaya't hindi ko siya sinabihan. Pumunta muna akong apartment para iwan ang mga gamit at magpahinga kaunti. I rested for thirty minutes before going to Bakakeng. Roon kasi ang bahay nila.

Tinawagan ko si Queenie for directions at kung ano ang jeep na sasakyan ko. Two-rides ang papuntang bakakeng at mahaba-haba pa ang pila since lunch time ngayon.

"Huwag ka mawala, ha?" Sambit ni Queenie. "Basta kapag may makita kang pababa roon sa may Bakakeng at marami-raming bahay ay doon na. Diretso ka lang pababa hanggang makita mo ang bahay na may malaking tank." I did not get it pero tumango na lang ako.

Bighani (Kafagway, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon