Kabanata 5
Sweet
Pangatlong araw ko na dito sa Proscenium. Vernon told me to stay inside his condo kaya sinunod ko na lang siya habang hindi pa masyadong humuhupa ang ang media at ang init ng ulo ni Novalee. Bilin niya sa akin ay huwag daw muna akong lalabas.
Vernon provided me everything. Mula sa mga pagkain, damit, at mga toiletries. Kompleto ang lahat dito sa condo niya. Pwede nga akong magtayo ng sari-sari store sa dami ng pagkain.
Nahihiya na nga ako. Kaso, wala naman akong magawa. Wala akong pera at wala akong mapupuntahan. Nagmukha na talaga akong tenant dito.
Buong araw ko na lang nililinis itong condo niya para hindi na siya magpa-room service. Ako na lang ang naglilinis para naman may ambag ako dito sa kahit paano. Hindi naman masyadong makalat dito sa condo kasi well-maintained ito at hindi rin naman kami dugyot si Vernon.
Kahapon pa hindi umuuwi si Vernon dito sa condo niya. Sabi niya kasi sa 'kin, doon siya umuuwi sa bahay nila kapag hindi siya nakakauwi dito. Siguro ay mansion iyong bahay nila at siguro ay nandoon 'yon ngayon.
Ipinagpatuloy ko na lang muna ang paglilinis ko dito sa living room. Nagpatugtog ako ng mysic mula sa playlist ko. Pinindot ko 'yung Chivalry is Dead ni Trevor Wesley. Maingat kong pinupunasan ang mga muebles dito at ang mga picture frames. Karamihan sa mga picture frames ay puro litrato ni Vernon kasama iyong pamilya niya siguro 'yon.
Maingat kong kinuha iyong isang picture frame. Tinignan ko si Vernon na nakangiti sa litrato. Mukhang nasa highschool pa siya dito. Nasa likod niya ang isang lalaki at babaeng nasa thirties ata or forties. Siguro ay parents niya ito dahil kamukha niya.
Katabi naman ni Vernon ay dalawang lalaki na halos ka-edad niya lang. Parang carbon copy ni Vernon ang dalawa. Siguro ay kapatid niya ang mga ito. Nakasimangot yung nasa left at nakangiti naman yung nasa right.
Perfect family. Sana all.
Naagaw naman ng pansin ko ang solo picture ng isang batang nakangiti. Tinignan ko ito nang mabuti at natukoy kong si Vernon ito. Nakakaloka ang cute niya!
He's wearing his school uniform at naka-peace sign siya dito. Iyong ngiti niya parang aabot na sa kaniyang tainga. Malinis din iyong hair cut niya. Walang duda, anak talaga siya ng isang Adonis.
Mayamaya pa ay may natanggap akong text. Nilapag ko muna sa maliit na mesa ang pamunas ko at kinuha ang cellphone. Isang text iyon galing kay Vernon.
Vernon:
How are you?
Napangiti ako sa pangungumusta niya. Ano kayang magandang i-reply? I'm fine, thank you? Ganoon ba?
Ako:
Ayos lang ako dito :) Ikaw? Umuwi ka sa inyo?
Matapos kong i-send iyon ay ipagpapatuloy ko na sana ang pagpupunas nang biglang tumunog ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)
RomanceMontgomery Series #1: Amidst being hated by her relatives and getting evicted from her apartment, Milan meets a crazy rich CEO who offers her a place to stay temporarily. Everything started with twists and turns when their paths crossed. Will she be...