Kabanata 13
Attracted
Tapos na iyong weekend and it's a Monday. Time to grind! Natagalan pa nga ako sa CR kasi nasira iyong gripo, nalakasan ko yata ang pagbukas kaya siguro kumalas. Inayos ko muna ng bongga kaya heto at natagalan ako ng konti.
Nasa elevator ako pababa ng building nang makatanggap ako ng text galing kay Vernon.
Vernon:
Where are you?
Ako:
Palabas na ng building, Sir!
Mas lalo ko pang binilisan iyong lakad ko hanggang sa tuluyan na akong makalabas sa exit ng Proscenium. Natanaw ko na iyong Bugatti niya sa tapat kaya tinakbo ko na ito.
"S-Sorry, natagalan lang sa pag-aayos ng gripo sa---" hindi ko na naituloy 'yung sasabihin ko sana nang mapansin kong may nakaupo sa front seat.
Namukhaan ko agad ang teenager. Siya iyong Eunomia na naghatid ng paper bags ng F21 at H&M na may lamang damit ko sa condo ni Vernon dati. She waved and smiled at me. Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya.
"Let's go, Milan." I heard Vernon says. "Hop in,"
Doon na ako umupo sa back seat dahil nasa harap si Eunomia. Nang maisarado ko na ang pinto ay agad namang binuhay ni Vernon ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho.
Napansin ko naman na naka-uniform itong si Eunomia. She's from La Salle. Wow, rich kid. Nakalugay lang ang straight niyang buhok at may suot siyang clip.
Lumingon ito sa akin kaya nakita niya siguro na nakatingin ako sa kaniya. "Hi, Ate Milan! I'm Kuya Vernon's cousin. My name's Eunomia." she smiled sweetly.
Napakagandang bata naman! Siguro maraming nanliligaw dito. Palagay ko ay senior highschool student pa lamang siya.
Nagulat naman ako nang alam niya ang pangalan ko. "Hello, Eunomia." ngumiti ako sa kaniya. "K-Kilala mo ako?" nahihiya kong tanong.
"Yes, of course, Ate! You're Kuya Vernon's secretary, right?" napatango naman ako sa kaniya habang nakangiti. "Kuya Vernon is always making kwento, e. I heard a lot of good things about you, Ate!"
Natawa ako ng konti sa pagiging conyo niya at pagiging pala-kwento at the same time.
"He did?" natatawa kong tanong kay Eunomia.
"Stop it, Eunomia." sinamaan ng tingin no Vernon ang pinsan.
"Yes! He always talks about you, Ate. I think it was the other day," sinamaan ulit siya ng tingin ni Vernon pero patuloy lang siya sa pagku-kwento. "He'd always say na you're beautiful!"
"Shut up, Eunomia!" nagulat ako sa sigaw ni Vernon pero tinawanan lang siya ng pinsan.
"Confirm, Kuya! Maganda nga si Ate Milan!"
BINABASA MO ANG
Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)
RomanceMontgomery Series #1: Amidst being hated by her relatives and getting evicted from her apartment, Milan meets a crazy rich CEO who offers her a place to stay temporarily. Everything started with twists and turns when their paths crossed. Will she be...