Kabanata 9

694 22 3
                                    

Kabanata 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 9

Blanket

"Lasing ka, Vernon!" I shouted as I pulled back from the kiss.

I removed his hands on my waist. Tumalikod ako at nagmartsa pabalik sa aking kwarto. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sinarado ko ang pinto at sumandal dito. Dahan dahan akong napahawak sa labi ko. I can still feel his lips on mine.

I remember how he'd looked at me, how his kisses sent shivers down to my spine, and how he got me electrified by his statements.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil hinayaan kong halikan niya ako. Bakit ko siya hinayaang gawin 'yon? He's drunk for Pete's sake! Lasing iyong tao!

"Nababaliw na nga siguro ako," bulong ko at nagtungo sa walk-in closet para magbihis ng matinong damit.

Nagsuot lang ako ng usual na pantulog ko. Isang komportableng pastel pink na pajama at white oversized shirt. Siguro ay umuwi na si Vernon sa condo unit niya. I heaved a sigh.

Muli naman akong napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang paglabas ko ng walk-in closet ay nakaupo na si Vernon sa dulo ng kama ko. Nakatingin lang ito sa akin kaya nilapitan ko siya.

"Sorry about that," nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. "I guess you're right. I'm just drunk."

Yes, you are! Asshole!

"Bakit hindi ka pa umaakyat sa condo mo?" I asked. "M-Matulog na ako,"

"I'll sleep here," simpleng sabi nito na parang wala lang sa kaniya.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"You just said it's my condo and I have all the access. So, why not sleep here?" he said and a smile formed in his lips. "It's my unit after all."

Parang kumulo iyong dugo ko sa sinabi niya. Dito siya matutulog ngayon? Bakit? Ano na naman ba ang trip niya sa buhay? Iba talaga siguro itong si Vernon kapag nalalasing. I should just change the passcode nang hindi na siya makapasok dito, 'no? Ugh!

"Bakit hindi ka makitulog doon kay Novalee?" I said at umiwas ng tingin sa kaniya. "Tutal ay magkasama naman kayo buong araw."

"I didn't spend the whole day with her, Milan." he pronounced my name in a sexy way.

"Yes, you did!" inirapan ko siya. "Bakit ka nandito? Pumunta ka sa Novalee mo."

His jaw clenched. "We didn't spent the whole day together."

"You did!" pagpupumilit ko pa.

What the heck is this argument for?

"We're not even on the same plane." he look me in the eye and step closer to me.

"Ang saya saya niyo pa nga doon sa facebook post niya." muli akong nag-iwas ng tingin. "Naka-tag ka pa nga, e. Magkatabi pa kayo ng upo."

"I don't know about the facebook post you are talking about, Milan." sambit niya. "Pero 'yung picture siguro na nakita mo na we're both sitting on the same couch ay 'yung pag-uusap namin about her asking for some tips on how to make her new investment a successful one."

Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon