Kabanata 20
Truck
I don't necessarily believe in love at first sight, but I fell in love with Siargao and its beautiful islands. I still can't believe that Siargao is like a paradise! I'm in love with the turquoise waters.
I will never forget Siargao and I will always love to go back soon. Of course, gusto ko pagbalik ko doon ay kasama ko na ang sarili kong pamilya, ang buo at masayang pamilya na bubuuin ko kasama si Vernon.
Pinanghahawakan ko kasi iyong pangako niya sa akin at sobrang saya ko dahil kasama ako sa mga plano niya sa future.
Matapos kasi iyong one week staycation namin ni Vernon sa Siargao ay bumalik na agad kami sa Manila. Balik na ulit sa dati, balik na ulit sa dating gawi.
Patong patong na rin 'yung mga schedules niya dahil nga isang linggo rin siyang nawala. Tambak na 'yung mga reports na kailangan kong asikasuhin para sa araw na ito.
"So, may nangyari na ba sa inyo ni Sir?" nae-excite na bulong sa akin ni Des nang makalapit siya sa cubicle ko.
"W-Wala!" agad kong tinakpan ang bibig ko nang mapansing nalakasan ko 'yung boses ko.
"Wala talaga, Milan? Sa one week, as in?" singit naman ni Macaria.
"Wala talaga," I bit my lip.
Heck, I'm a bad liar. Alangan naman aminin ko sa kanila na nakipag-jugjugan nga ako kay Vernon doon sa Siargao? Nakakahiya!
Alam ko naman kasi na maaasahan ko ang dalawang 'to dahil kaibigan ko naman sila, pero hindi pa siguro ito 'yung tamang panahon para magkwento ako sa mga tunay na nangyayari sa pagitan namin ni Vernon.
Hindi pa ako handa mag-kwento. Ganun.
"Ang hina naman pala ni Sir Vernon kung ganoon!" nag-cross arms si Macaria.
"Shh!" mahina kong saway kay Macaria at gusto ko siyang kurutin dahil hindi lang naman kami ang tao dito.
"Ikaw rin, Milan! Ang hina niyong dalawa! Akala ko ay magkaka-aminan na kayo doon. Ano ba 'yan," mahinang sabi ni Des at inirapan ako.
Gusto kong matawa ng very light dahil sa mga pinagsasabi nila. Kesyo mahina daw kaming dalawa ni Vernon. Ang hindi lang nila alam, napaka-wild ni Vernon sa one week na 'yon.
Juicecolored! Gusto ko na yata mangumpisal sa lalong madaling panahon sa pinakamalapit na simbahan.
Bless me Father, for I have sinned. Nakipag-sex ako sa lalaking hindi ko pa naman asawa!
Hindi na ako muling kinulit ng dalawa dahil may tumawag na ulit sa telepono. "Mr. Montgomery's office," I answered the phone call. "May I help you?" magalang kong tanong sa caller.
May mga importanteng bagay lang kaming pinag-usapan ng caller tungkol sa transaction niya sa MAL and we bid goodbyes after that.
I did some paperworks and encodings sa computer the whole day. Pagod akong nag-inat ng katawan nang sumapit ang alas sais ng gabi.
BINABASA MO ANG
Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)
RomansMontgomery Series #1: Amidst being hated by her relatives and getting evicted from her apartment, Milan meets a crazy rich CEO who offers her a place to stay temporarily. Everything started with twists and turns when their paths crossed. Will she be...