Kabanata 2

1K 35 6
                                    

Kabanata 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 2

Airline

The sun shines through the window as I woke up feeling good and refreshed. Sino nga ba ang hindi? The bed is so comfortable tapos tama lang iyong lamig ng aircon. Sobrang himbing ng tulog ko habang balot na balot ang katawan ko sa makapal na comforter.

I wish I could stay in this kind of place a lot more longer, kaso imposible yata 'yon. Last night was the most comfy and deep sleep I've ever had my whole life. Paulit-ulit talagang nakatatak sa utak at puso ko na hindi ko afford ang ganitong unit, 'no!

Paano ba naman kasi? Walang kama iyong apartment ni Ma'am Consuela kaya naglalatag lang ako ng banig sa malamig na sahig. Tiles pa naman, jusmio, halos manginig ako sa lamig tuwing gabi. Pero kinaya ko 'yon ng ilang buwan. Aarte pa ba ako?

Ang sakit tuloy ng likod ko kinaumagahan pero keri naman. Mas hindi ko keri bumili ng kama, iniipon ko na lang iyong mga sweldo ko para sa ibang bagay. Pero anong nangyari sa sinasabi kong pag-iipon? Walang wala nga akong pera kahit barya. Kainis. Kakarampot lang kasi iyong sweldo ko bilang crew sa isang fastfood chain.

I'm a BSBA graduate last year. Nag-apply ako sa isang kompanya around QC 2 months ago pero hindi ako natanggap. Tatawagan daw ako kung tanggap ba ako pero wala naman akong natanggap na tawag. They can always say that straight to my face, hindi iyong papaasahin nila ako.

Mabigat iyong loob ko noon kasi matataas ang grades ko pero mas pinili nila iyong grumaduate sa mga mamahaling University na nakasabayan ko sa paga-apply.

Na-try ko na rin mag-call center kaso hindi ko na kinaya after 2 months. Nangayayat kaya ako ng sobra, mga sis! Siguro dahil na rin sa puyat. Konti lang din kasi ang tulog ko sa umaga kasi rumaraket raket din ako sa salon and spa ng kakilala kong bakla. Rebond ng buhok at tamang linis ng kuko sa paa na may ingrown. Chos.

I still tried applying pa rin naman sa mga kompanya sa mga position na related sa course ko kaso madalang na lang 'yon dahil mas inatupag ko ng very very light ang pagt-trabaho sa fastfood chain. At least may suweldo ako.

Nag-inat muna ako at tumayo. Sinipat ko ang orasan at nakitang 6am pa lang. I think Vernon is still asleep. Kung ipagluto ko kaya siya ng agahan para naman may ambag ako sa pagtulong niya sa akin? Napangiti ako sa naisip.

Dumiretso muna ako sa CR at naghilamos. Nag-toothbrush na rin ako. Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamim. I'm wearing a very comfortable shirt from forever 21 at may aesthetic patch ito ng peach sa may gitna. I'm also wearing a pastel pink na sweat short from H&M, isama mo na rin yung undies. Napangiti ako at nagpaikot-ikot sa harap ng salamin.

"Gaga, you look very expensive. Charot." Bulong ko sa sarili ko.

Halos nagdalawang isip pa nga ako last night kung isusuot ko ba iyong mga damit na dala nung Eunomia. Parang mahihimatay kasi ako nang tanggalin ko na ang mga tags ng mga damit. Tatlong shirt from Forever 21 and it costs 1k each.

Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon