Kabanata 10
Saffron
It was morning now. The sun's already up at sobrang liwanag na ng paligid. Time to set aside the fantasy of last night. I took a glance on the couch.
Wala na siya doon.
Nagkibit-balikat na lang ako. Siguro ay umuwi na iyong tao sa sarili niyang condo. I got up from bed and stretched my arms. Nagtungo lang ako sa bathroom para maghilamos at mag-toothbrush.
Hindi na ako nagsuot pa ng bra underneath my oversized shirt tutal ay maliligo rin naman ako pagkatapos kong mag-agahan. Lumabas na ako sa kwarto and after closing it, may naamoy ako sa may kusina.
I turned and my gaze stalled on the kitchen. Vernon's cooking something for breakfast. Narinig niya yata iyong pagsarado ko ng pinto sa kwarto kaya nakatingin na ito sa akin ngayon.
"Good morning," sabi nito at ngumiti.
Magulo pa ang buhok nito ngayon at walang suot na t-shirt habang nagluluto. He's fucking hot. Bakit nahihilig na siyang maghubad? Kagabi pa itong tao na 'to, ha?
Dumako naman ang tingin niya sa may dibdib ko at doon ko naalala na wala nga pala akong suot na bra! Shit.
"Morning," sabi ko sabay talikod at balik sa kwarto.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakahiya! Manipis lang iyong tela ng oversized shirt ko kaya imposibleng hindi niya iyon napansin. I groaned. Whatever!
Dali dali akong nagsuot ng bra at muling lumabas sa kwarto. "I thought you already left," sambit ko nang lumapit ako sa kaniya, with my bra underneath of course.
He shrugged. "I just feel like making breakfast," he sets the table and I helped him.
"Salamat," nasabi ko nang pinaghila niya ako ng upuan.
Naupo na rin siya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain. Kumislap iyong mata ko nang makita ko ang Nectarine Bruschetta sa mesa.
"Wow, paano mo 'to ginawa?" I asked and got myself a slice of it.
"In a bowl, I whisked the vinegar and honey together to dissolve. I also added nectarine slices and let it marinated for about 10 minutes." he said. "Next is olive oil and black pepper. Lastly, I grilled the bread and spread with ricotta cheese, then added nectarines and juices on top."
Natawa naman ako ng mahina. "Napaka-specific mo naman. Teka, wala naman akong ganyang ingredients dito sa condo, ah?" tanong ko.
"Nagpa-deliver ako," he shrugged.
"Ah okay."
"Here," nilapit niya sa akin ang Berry Quinoa Muffins. "You'll love it."
Kumuha naman ako doon at tinikman ito. Tama nga siya. Masarap nga ito. Binigyan ko siya at thumbs up kaya ngumiti siya. Kumuha na rin ako ng chia seeds. There's also honey comb. Sosyal naman ng isang 'to kung mag-breakfast.
BINABASA MO ANG
Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)
RomanceMontgomery Series #1: Amidst being hated by her relatives and getting evicted from her apartment, Milan meets a crazy rich CEO who offers her a place to stay temporarily. Everything started with twists and turns when their paths crossed. Will she be...