Kabanata 34

472 11 16
                                    


Kabanata 34

Singers

"Who's he, Milan?" inulit ni Vernon ang kaniyang tanong. Nakapulupot pa rin iyong isang braso niya sa baywang ko.

"He's Adrastos. He's my friend." I said.

"Your friend? Not our friend? He's not my friend?" he asked again.

"H-Hindi," umiling ako. "We met right after your accident and we became good friends since then. Kaya ayan, close na close siya sa mga bata." sambit ko.

Kasama ni Adrastos ang mga kaibigan niyang doktor. May sinabi siya sa mga kaibigan niya. Mukhang nagpaalam siya sa mga ito at kinarga na ang mga bata.

Nakita kong tumingin siya sa gawi namin at bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha pero agad rin iyong napalitan ng isang ngiti. Kumaway ito sa amin at nginitian ko siya pabalik.

"I see," he simply said. "Our children must be very fond of him." he added and smiled.

Just before I noticed, nakalapit na sa amin si Adrastos. Karga niya ang mga anak namin na kasalukuyang malalapad ang mga ngiti.

"Adi!" I waved and smiled.

"Hi!" bati niya sa amin at marahang ibinaba ang kambal. "You must be Vernon? It's nice to finally meet you, dude!" nakangiti si Adrastos at naglahad ng kamay.

Tinanggap naman ito ni Vernon kaya nag-shake hands silang dalawa. "Adrastos, right? Nice to meet you, too." Vernon gave him a small smile.

"I heard a lot of good things about you." sabi ni Adrastos habang nakatingin kay Vernon at kapagkuwan ay titingin rin siya sa akin.

"You're my wife's friend, right? Thank you for accompanying her while I'm not around." Vernon smiled a little.

Humigpit ng konti iyong pagkakapulupot ng isang braso ni Vernon sa aking baywang na para bang hindi ako pwedeng makawala sa tabi niya.

"No worries, dude." Adrastos smiled, too. "I'm glad you're back. Cassiopeia and Vincenzo must be really happy right now." sabi nito at marahang ginulo ang buhok ni Vincenzo.

"We are so happy, Dada!" si Vincenzo

"Finally! Dalawa na ang daddy namin! We have a Dada and a Papa!" itinaas ni Cassiopeia ang kaniyang mga kamay sa ere at tuwang-tuwa ito habang nagsasalita.

Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ni Vernon kay Adrastos.

"Hi, Adi! Kararating niyo lang ng mga kaibigan mo?" masigla kong tanong sa kaniya.

"Ah, oo. Dinner lang para i-celebrate 'yung successful operation ng Prime Minister kanina." Adrastos smiled.

"Wow. You did a great job! Congrats!" nakangiti ako sa kaniya.

Adrastos chuckled. "Thank you, Milan." tumingin ito sa kaniyang relo.  "Paano ba 'yan? Mauna na muna ako sa inyo. Ingat kayo!" nagsimula na siyang maglakad pabalik sa kaniyang mga kaibigang doktor ngunit nakatingin pa rin siya sa akin.

I waved my hand. "Ingat kayo!"

Nakangiti ako habang nakatingin kay Vernon. "Let's go?"

Bago pa man makapagsalita si Vernon ay hinihila na ng dalawang cute na bata ang mga kamay namin dahil gusto nila magpakarga.

Nakita kong yumuko si Vernon para isakay sa kaniyang likod si Vincenzo. Tuwang tuwa naman ang anak namin dahil umakto pa na kabayo si Vernon.

"Mama! Look! I'm a cowboy!" masayang sabi ni Vincenzo.

"You are the most handsome cowboy alive, son." sabi ko at marahang kinarga si Cassiopeia. "Hiyaa!"

She placed her hands around my neck at na-pout. "I want a piggy backride, too." malungkot nitong sabi.

Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon