Kabanata 26
Siaton
"Bubuhayin kita," muli kong naalala iyong sinabi ni Vernon last week. "Bubuhayin kita sa kahit anong paraan na kaya ko, Milan. Kahit maghirap tayo, pangakong hindi kita pababayaan."
Napangiti ako nang maisip na naman ulit ang sinabing iyon ni Vernon. Maingat kong tinaas nang bahagya ang aking dress na lagpas sa tuhod upang hindi mabasa ng mga alon na sumasampal sa aking mga paa dito sa dalampasigan. Muli kong pinagmasdan ang mga alon sa malawak na karagatan.
The waves are crashing on the shores and my mind is so calm. Kahit papaano ay napapawi na rin ang mga problemang tumatakbo sa isipan ko. The feeling of warm sand beneath my toes is truly nostalgic.
There's really something soothing about the sound of the crashing ocean waves, the ocean breeze, and the smell of salt water that fills my nostrils. Everything about the sea is perfect.
I never grew up near the beach, dahil nga laking probinsiya ako, but I always classified my happiness on the sea as priceless as it is. Para bang nakasalalay ang kasiyahan at pagiging payapa ng isipan ko kapag malapit ako sa dagat. Para bang pinapawi ng mga alon ang mga sakit at pighating nararamdaman ko.
Desidido at buo na talaga ang desisyon ni Vernon nang talikuran niya ang lahat ng mayroon siya para lang sa akin. All his riches, his position as their company's CEO, his fame---all of it! Tinalikuran niya ang magarang buhay sa Maynila upang makasama ako.
Narito kami ngayon sa Siaton, Dumaguete. It is located in the south part of Negros Oriental. Nasa kapuluan na kami ng Visayas ngayon.
Siaton is referred as the 'rice bowl' of the South in Negros with its nice blue and clear waters, lakes, and the rivers nearby.
Maliit lang ang isla na ito kung kaya't maliit lang din ang populasyon ng mga tao. Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito.
May sarili naman kaming tahanan ni Vernon kaya wala kaming problema. Maliit lang ang aming bahay kubo na gawa sa kahoy. Dahil nga nandito kami sa Visayas, ang madalas na tawag sa ganitong klaseng tahanan ay payag o di kaya'y kamalig.
Ang mga poste, dingding, at maging ang sahig ay gawa sa kahoy and other light materials. The thatched roof is made of nipa.
Nalaman ko rin mula sa aking asawa na ang nipa hut ay hango sa Spanish phrase which is cubo, meaning cube. It's probably because of its rectangular appearance at ang word na bahay ay ang Filipino word for house.
Naks, tinalo si Kuya Kim sa konting kaalaman.
Ang munti naming tahanan ni Vernon ay gawa sa mga organic materials na makikita lang din dito sa paligid ng isla. It is a perfect example of a totally green structure. Makikita mo talaga ang pagiging simple nito at ang kalinisan.
Our little living area inside our bahay kubo is accessed by a ladder. Nahahati ang aming munting tahanan sa tatlong areas tulad ng living area, the area beneath it o silong sa Tagalog, at ang aming bubungan.
BINABASA MO ANG
Man in Tuxedo (Montgomery Series #1)
RomanceMontgomery Series #1: Amidst being hated by her relatives and getting evicted from her apartment, Milan meets a crazy rich CEO who offers her a place to stay temporarily. Everything started with twists and turns when their paths crossed. Will she be...