"Chat nga kayo sa gc, sabihin niyo pakidalian." Sabado ngayon at nagkayayaan nanaman kaming barkada na tumambay sa bahay nila Maddie. Minsan ay manonood lang o maglalaro ng card games o board games. Pero ngayon may iba kaming balak."Ikaw ba ay lutang? Iisa na lang ang iniintay ah." Sagot sa akin ni Maddie habang pasimpleng sinisilip ang phone ni Myca.
"Si Rox na lang naman ang iniintay. Hindi pa siguro tapos ang training." Ulit pa ni Myca habang hindi niya alam na nakatingin na si Maddie.
Gago talaga...
"Varsity pala ang nais." Pagpaparinig pa niya sa gilid ni Myca. Napansin niya iyon kaya't lumayo siya agad at lumipat sa binti ni Gabi para duon tumambay at humiga.
Dala niya ang blanket at tinago ang sarili kasama ang phone niya duon para wala ng makasilip.
Tumawa si Maddie.
"Bili na lang muna kasi tayo..." pagrereklamo ni Jelo.
"Ang sabihin mo 'kayo', never ka naman kasing bumili o nautusan dito." Exaggerated na sigaw ni Tati.
"Totoo ba? Ngayon na?"
"Aba'y malamang Blake, alangang bukas pa!!" si Jelo pa din habang naglalaro sa phone niya at nasa ungga-ungga na, na upuan ng lola ni Maddie.
Pinakyuhan siya ni Blake.
Napatingin ako kay Shelby na may dala ng box ng juice na wala namang laman. Inaabot kay Jelo.
"Oh, bat ako?!" Nanlalaking matang sabi niya.
"Sabi ni Tati!"
"Hayop ka Tatiross, wala kang mauutusan dito." Sigaw niya.
Sumungaw ang ulo ni Tati sa may kusina at umirap.
"Oh, kalma, baka hindi na bumalik ang mata mo sa dati. Tas puti na lahat matira, lalo kang papangit matatakot viewers mo ng my day!"
"Stupid! Wala pang manners!" Sabi ni Tati at tumalikod na para humarap ulit sa malaking mirror sa kusina nila Maddie at magpicture.
"Meron kaya! Honest akong friend!"
"Oo nga, baka mabasag ang salamin Tati." Panggagatong pa ni Myca habang nakatago pa rin sa blanket, parang kinikilig na ewan.
"Joke lang! Ganda mo po yieeee." Si Jelo.
"Tayo ka!" sinabi niya iyon kay Gab ng hindi naririnig ni Myca.
"Aanhin mo yan?" Nagtatanong na siya tungkol sa box pero biglang tumayo si Gabi na pinapatungan niya ng ulo kaya bumagsak ang ulo niya sa sahig. Natawa ako dahil hindi siya nakareact ng maayos dahil lumayo agad si Gab.
"Nice one Gab! Ang careful naman po." sarkastikong sabi ni Myca habang hinihimas ang ulo.
"Ikaw ang magcareful baka ma-fall." Makahulugang tumawa si Gab habang si Myca ay hindi lang pinakinggan ang sinabi ng kaibigan namin.
"Ano nga? San gagamitin yung box?" Pagiiba na lang niya ng topic.
"Paglalagyan nung bibilhing Gin!" medyo pasigaw na sabi ni Blake sa tabi ko.
"Tanga, wag mong ilakas baka marinig ka ni mommy-la baka mapalayas tayo!" Malakas na sigaw naman ni Maddie kaya sinipa ko siya.
Napakalakas ng boses niya. Hindi pa nakakainom parang lasing na.
"Bobo e, ikaw ang maingay dyan!"
Hinila ko ang binti ni Leo at pinatungan ko iyon ng ulo. Niyugyog naman niya ang kanyang mga binti para tarantaduhin ako.