Liam Cassius Lopez:
Good morning! Eat breakfast :)
Dalawang linggo na akong araw-araw maganda ang disposisyon, dahil sa morning messages niya. Pansin ko din na ang ganda ng gising ko. My mood always starts good which is rarely the case.
I arrived at school early too!
Hindi din ako makapaniwala nung una kasi hindi naman ako maaga pumapasok, sometimes I even get late. Ngayon halos ako ang una.
I can get used to this.
Dumating ang kaklase kong si Rona after a few minutes of me just sitting on my desk. I updated Liam na nasa school na ako and he did not reply. Okay lang, hindi naman ako demanding noh!
Recess namin ng makasalubong ko sa daan si Chelsea. Hinila niya ako sa tabi, parang kinikilig.
"Sabay kami mag-lunch ni Jelo!" She whispered on my ear.
Knowing Jelo, he is just friendly and very appealing to people. Pero hindi iyon nag-hahanap ng girlfriend, but I'm not gonna tell her that— kasi hindi ko din naman alam nasa isip ng lokong yun. Basta ang alam ko ay wala siyang nasabi sa tropa na may nililigawan siya...
Ngumiti ako kay Chelsea. "That's nice!"
She combed her hair with her fingers before she said she's going. She hugged me before she left. Oh! Close pala kami?
"Close pala kayo?" Si Rona na kaklase ko habang katabi ko ngayon at nagrerecess.
Natawa ako.
"Ata?" kumunot ang nuo niya parang nagtataka. Her thick glasses almost hid her brows because of it.
"Sabi niya, oo daw."
Nagkibit na lang ako ng balikat habang nakatingin sa open field. Nakatulala...
Before lunch I received a text a from Jelo.
Jelo:
Chelsea Romero is asking for lunch. Save me bro hahahaha
Napailing ako. Sabi ko na e!
Me:
Shunga, anong gagawin ko sayo?
Nagreply naman siya agad. Tumingin muna ako sa harap, nagtuturo pa ang teacher at tinatago ko lang ang phone ko.
Jelo:
Kasama ko si Grant bro. Samahan mo na lang siya, para di awkward.
Mabait akong kaibigan, hindi katulad niya kaya ngayon ay nandito na ako sa 7/11 na katapat lang ng school at iniintay si Chelsea. May dadaanan pa daw kaya nauna ako.
Nakaupo lang ako sa labas ng convenience store at nililibang ang sarili sa mga students na lumalabas sa gate ng school. Most of them are a stranger to me. Mag-aapat na taon na ako dito sa Sacre but I also don't involve myself with anyone if it's not needed, so wala akong circle of friend dito. Most of the time, I stay inside our classroom.
Bigla naman akong napalingon sa tumawag sa akin, Chelsea. Her hair is parted in the middle and has two clips on each side.
"Dale!" Kumaway kaway pa si Chelsea. Halatang tuwang tuwa para sa lunch. Tumingin muna siya sa kaliwa at kanan bago tumawid.
I smiled.
Yumakap muna siya bago magsalita. "Jelo said na ikaw daw maghahatid sa akin sa kakainan?"