Chapter 13

16 2 0
                                    

Nagbihis ako at hindi na kumain pa sa bahay dahil sa tingin ko ay pagnagtagal pa ako duon ay hindi na ako papaalisin ng aking ama. Simangot na mukha lamang kasi ang bumungad sa akin nuong ako ay bumaba at nagpaalam sakanya ng aking balak na pagalis.

Tinanong niya kung sino ang aking kasama. Nang narinig ang isang pangalan ng aking barkada ay tango at hindi pagpayag sa paghahatid sa akin ang aking natanggap.

Habang ako ay nakasakay sa jeep at nakatingin sa mga dinadaanan nito ay inalala ko ang laman ng bag na naiwan ko okay Grant. Ang mainit na maghapong araw at ang hangin na humahampas sa aking mukha mula sa bintana ay naghahalo.

I have my comb,white flower,balm,powder and the hand sanitizer...Buti na lamang kamo at hindi ko dinala kagabi ang aking tumbler na lalagyan ng tubig, kung hindi ay nakakahiya. Joke!

I always, always, bring water kahit saan man ako mapadpad. Nga lang, noong ako ay napadpad sa maling mga alalahanin ng mga taong walang dinulot sa aking mabuti ay nawala ang nakagawian kong iyon.

Mas nakakahiya ata ang napagkamalan ko siyang isang statue dahil sa mga nainom. Mahina na ba ako? Kailangan pa siguro ng practice?

Bumaba ako sa tapat ng Cathedral upang maglakad na lamang mula doon, hanggang sa sinabing Chamihan (chami: isang uri ng pancit) na kakainan namin nila Jelo.

I stopped at the Zagu station and think about the bag again! Ganun ba ako kalasing talaga? I continued to question myself even after I bought my favourite chocolate drink at Zagu. Shit! Paano na lang sa Pasayahan? Gitnaan? Ako na ang pinaka-weak?

Tumawid ako papunta sa Antiguas at lumakad pa ng konti bago lumiko muli. I sipped on my zagu, letting it glide my empty stomach.

I walked past the colourful balloons parading the sidewalks I was walking on. Flashes of my childhood suddenly flooded my brain and how much I adored those times of innocence. I wondered if I can still enjoy it on my 20s?

"Dahlia!" Buong buo ah, bakit hindi na lang Dale?

Nang humarap ako sa tumawag ay nakuha ko agad kung bakit Dahlia ang itinawag. Unti unti akong lumapit at umupo na din sa isang monoblock. He stared at me for a second and I just smiled widely at him.

"Dahila talaga huh! Dapat sinamahan mo na din ng Aerin, tas Montes!" Tumawa ako. Siya naman ay bahagya atang nahiya.

Binawi ko tuloy at iniba na ang topic.

"San na si Jelo?" Sabi ko at tiningnan ang casual niyang suot.

His hair is pushed back but strands of it is falling a bit on his forehead. Before he answered my question, he first catch his untamed hair—getting a little irritated by it.

"Com shop..." His stance is really straight and steady. Parang statue na nakaupo!

Naalala ko tuloy ang katangahan ko kagabi. I let out a chuckle, making him glance at me. Umiling na lang ako at humigop muli sa aking zagu. Sa pagitang oras na iyon ay nag-katyansa siyang magsalita.

"Did you purposely left your bag, to see me again?" Nanlaki ang mata ko at muntik nang mabulunan sa narinig.

What?!

Mula sa seryosong mukha ay sumabog ang tawa niya. After it, he smirked. Confirming that he wasn't all soft.

"That was a joke!" He said still smirking.

I smirked too.

"Grabe banat ba 'yan?" Bago niya iyon masagot ay dumating na ang ingay.

Ayan na nga po si Jelo!

Beyond the Us ( Hangover Series #1)Where stories live. Discover now