Chapter 11

14 2 0
                                    

Ang unang mga linggo ay hindi naging madali. Hindi ko din naman hinihiling maging ayos lahat ng agaran. It's a process and I am ready for that. Ready for the things that is yet to come. And besides it's the only way of healing properly...

To process it slowly and to continue to believe and trust that there is so much more of life I can experience.

Upang maibsan ko ang lubhang pag-iisip sa mga bagay na tapos na, nahilig ako sa pakikinig sa mga musikang walang mga liriko. Nakatulong iyon dahil hindi ko na masyadong naiisip pa ang mga bagay na matagal ng tapos at wala na rin namang silbi kung iisipin ko pa.

That's not to say that I don't have lapses or nights that it will all get to me again, I have. But it's not the same anymore, I cry because of times wasted holding on to something not meant for me. But I'd stop and continue...

I don't dwell as much at it anymore. Wala na rin naman e.

Madalas na din ang girl talks or video call ng tropa namin kaya agad napapagod ang aking mata at inaantok na din agad. Sanhi ng pagtulog ko ng maayos.

"Ghi-nost ka nanaman?" Tanong ko kay Tati.

"Mahilig sa multo." Tumatawa si Myca habang kumakain ng donuts. Ipinapahanga niya pa iyon sa camera para makita namin na donuts nga iyon.

"Hindi kami bulag Myca! Alam naming donuts yan." Sarkastikong sinabi ni Tati habang nag-kwekwento tungkol sa nang ghost nga sa kanya.

"Ang hilig mo sa multo noh?"

"The more you know! Tas eto, si Dale, mahilig sa—" napairap ako dahil ginawaran muna nila iyon ng tawa bago sabay sabay na sumagot.

"Fvck boi!"

"Fvck you!" Pinakyu ko sila sa camera.

Katatapos ko lang mag-review for my finals. Kaya medyo nirerelax ko ang aking utak with my girlfriends para hindi mapagod. Next next week pa naman iyon, pero gusto ko maging prepared ng sobra. Bumabawi sa sarili dahil malapit na rin naman ang bakasyon.

"Shutaness ha! Pero ang dami mo ding pinagdaanan dun sa gagong yun! Ngayon nandito ka na and viola, healing na ang Dale natin." si Maddie habang hinahawi ang buhok.

"We're proud of you!" Si Gabi naman ngayon habang nakangiti at nagpepaint ng nails niya.

"Painom ka na sis!"

"Kapal ng mukha mo Myca! Hindi ka naman umiinom!" Si Tati babang umiirap at minumura si Myca na hindi nga naman umiinom.

"Iinom na ako gaga! Stop shouting!" Nabuhayan tuloy ako sa sinabi niya at agad akong napabumangon sa pagkakahiga at tumawa na ng parang baliw.

"Sa Pasayahan, gitnaan tayo! Libre ko, basta iinom si Myca!" I was talking about the Pasayahan festival on May at ang gitnaan na parang night market na may mga kasamang inuman sa gitna ng Quezon Avenue.

"Yan, yan ang alam!" si Shelby habang nagpapabebe, iinom din naman. "Pero syempre, g!"

My night ended happily talking with them. Hindi rin ako nalate ng tulog kaya tamang tama ang gising ko. Na-una pa nga ako sa alarm ko.

5:00 AM

I showered and planned to cook my own breakfast. I calculated the time I will consume if I put a little make-up. It won't take much of my time kaya't bago ako bumaba at gumawa ng simpleng chicken sandwich ay ginawa ko na nga iyon. I also filled up my tumbler with water. Napangiti ako dahil halos makalimutan ko nang maging ganito sa sarili.

I enjoyed my walked. Kailangan ko pa kasing maglakaf upang makarating sa highway kung saan ako pwedeng sumakay ng jerp.

Beyond the Us ( Hangover Series #1)Where stories live. Discover now