Ganun pala talaga, masaya lang sa una.Our first monthsary: Kahit na muntik niya nang makalimutan iyon, ay masaya kami. He brought one stem of rose. Reminding me of something from our 'beginning'. Their were no surprises, but there were memories— I wish to cherish for moments like this. The scary outburst of anger that I didn't saw from him before. Now here...
"Bakit ka ba laging galit?!" He said shouting at me.
Napatingin tuloy ang mga kumakain na katabi namin. Nandito kami ngayon sa Zark's, katatapos ng klase at tinatanong ko kung bakit kasama niya si Anne. I'm just asking him and suddenly he's this mad.
"I'm not mad, calm down, Liam." I said in a low voice.
Iniwas niya ang tingin at kitang kitang ang pagpula ng mukha niya sa galit dahil sa kaputian niya. I sigh, trying to figure out where did my words fell the wrong way.
"Babe," tawag ko sa kanya pero iniwas niya ang kamay niya at kinalikot ang phone.
"Putangina! Don't touch me!" Para akong napaso sa sinabi niya at agad nabitawan ang kamay niya. That caught me off guard.
Nanghina ako bigla.
Tumingin muna ako sa mga kamay ko na nakapatong sa aking binti at huminga ng malalim. Kaya mo 'to.
"I'm sorry..." Iyon lamang ang aking nasabi.
He walked out.
Lumala ang away na iyon. Tipong halos hindi niya na ako siputin sa kahit anong usapan namin. Tinawagan ko si Chelsea. Siya lamang kasi ang napagsasabihan ko ng ganito at isa pa ay pareho na sila ng school ngayon. Nag-transfer kasi si Chelsea ng Calayan ng kami ay nag-moving up.
"Chels, alam mo ba kung nasaan si Liam?" I said desperately. Hindi niya kasi ako sinipot sa usapan naming pagkikita.
"Why, what happened?" She said on the other line, concerned.
"Hindi kasi ulit siya dumating sa usapan namin."
"I don't know, e." Napapikit ako, hindi na alam kung saan siya hahagilapin.
Nagtext ako kay Liam.
Me:
Hey... where are you?
He replied immediately, letting me know na ang mga nauna kong messages ay talagang in-ignore lang niya.
Liam Cassius:
Hindi nga ako pwede, ang kulit mo. Don't text me!
Naaalala ko pa din kung paanong may pinagselosan siya sa school: Ang matang nagtatampo at nagpapalambing ang bumungad sa akin isang hapon matapos ang klase.
"Oyyy, bati na tayo." Yakap ko sakanya habang kumakain kami ng Dairy Queen na ice cream.
Idinikit muna niya iyon sa aking pisngi bago sumagot ng "Okay..."
Kung gaano katamis ang ngiti ko sa pagsuyo sa kanya, ganun din kahapdi ang mga luhang pumatak mula sa mata ko, nang tumagal at naulit ang hindi ko naman gustong paglapit ng mga lalaking nagkakagusto sa akin. Paulit-ulit niya ding kinita ang mga 'kaibigan' niyang si Karen at Anne. I was devastated and yet again, questioned myself.
I can't understand any of it.
Me: What is happening? Bakit kasama mo si Anne? Kahapon daw ay si Karen?
Liam Cassius: Ah, ganun, ikaw pwedeng manlalaki tapos ako makipagkita lang sa kaibigan, galit na galit ka?!
Ipinikit ko ang mata ko at hiyaang mahulog ang isang butil duon ng luha.