Prologue

71 4 0
                                    




"Putangina!" Bulong ko sa sarili ko habang tagaktak ang pawis mula sa noo ko.

Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang pumasok o ano dahil hindi naman talaga ako nag-alarm. Kagabi ay halos wala din akong nagawang requirements.

Wala akong ligo, late at wala pang kinain. Pilit kong dinadala ang poject na hindi pa din naman tapos sa isang kamay ko at ang isa ay pinipilit na kuhanin ang pambayad ko sa jeep.

Halos pandirihan ako ng katabi kong matanda dahil sa itsura ko. Kung hindi siguro ako nakauniform ay baka kung anong isipin nito sa akin, even though I know she is judging me already base on how my hair and how my fvcking uniform looked.

Pagbaba ko ng jeep ay agad akong patakbong lumapit sa gate ng school ko. Ti-nap ko ang ID ko at agad nginitian ang guard na umiling lang sa akin dahil halos ilang linggo na akong ganito ang buhay.

1:30 PM

Nagmadali akong umakyat at agad sinilip ang salamin sa room kung nandun na ba ang prof. Pumasok ako ng nakitang wala pa naman. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto. Kaya mo yan! Pampalubag ko ng loob sa sarili ko.

"Miss Montes!!" Muntik ko ng mabitawan lahat ng dala ko ng tinawag ako ng matandang prof namin.

Ingay lang ng aircon ang dinig. Gusto ko na lang ulit lumabas ng pinto. Fvck! Bakit ba kasi hindi ko napansin na nandito na pala ang lagi naming late na Prof.

"Ano tutunganga ka na lang dyan sa pinto? Umupo ka!" Ani niya sa istriktang boses.

"Good afternoon ma'am... Sorry for being late." Hindi lang niya ako pinansin kaya dumiretso na lang ako sa upuan ko. Nilapag ko sa may tabi ko yung project at hinalughog ang bag para makakuha ng binder at pen.

"Okay ka lang?" my seatmate asked me.

Napatitig tuloy ako sa bag ko na gulong gulo at halos lahat ng laman ay hindi na organize. This is so unlike me... I took a deep breath at hinarap yung katabi ko.

Ngumiti ako.

"Oo naman." Tumango tango pa ako habang hindi alam kung maniniwala ba sa sarili.

I listened to the lecture even though all of it also came out of my other ear. I tried so hard to put something on my notebook, para naman may maisagot ako pag dumating ang exam week. Pumikit ako at ipinahinga ang ulo sa desk ko.

Last period nang naramdaman ko na ang hilo dahil siguro sa walang tulog at wala ring kain. Nanghihina na ako. Hinalungkat ko nanaman ang bag ko para uminom muna ng tubig ko, pagdampot ko sa tumbler ko ay naramdaman ko ang gaan nuon.

Empty...

Kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase ko dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng tubig. Pagkatapos duon ay tinapos ko ang aking project sa room at pinasa na rin. Kahit papano ay gumanda din naman iyon.

With my weak knees, I forced myself to walk to one of the nearest fastfood. Pumunta muna ako sa cr ng napili kong kakainan.

Nilapag ko ang bag ko sa gilid ng sink. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at hindi na ako nagulat.

Fvck! Nanghina lalo ako dahil nakakaawa yung mukha ko. Pinonytail ko ang buhok ko at hindi na inayos pa ang mukha. Umorder ako at umupo sa pang-solo na upuan. Halos manglabo ang mata ko dahil sa luha.

Ang miserable ko pala talaga.

Ang sakit... Mukha akong tanga habang kumakain dito. Nilabas ko ang phone ko para tingnan kung nagreply na ba siya.

"Stop being desperate, Dale."

Yun lang ang laman ng mensahe niya. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pagkain ko ng nabasa ko 'yon. Namanhid ang kamay ko, at nang tumayo ako para akong matutumba. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Hindi ko na alam. Wala ng natira sa kin.

Ubos na ubos na ako...

Paano ako nakarating sa ganito kalungkot?

Pagod na pagod na ako...

I'm tired of fighting for the only happiness that I think I deserve, well in fact my only hope that time— it's for me.

How did I ended up losing myself when I thought I already found it in him...

Beyond the Us ( Hangover Series #1)Where stories live. Discover now