He drives smoothly all the way to Lucban. The swerving lanes and the not so straight road meant trouble to me if I was the one driving, but for him it was easy as left and right. While he was busy driving, I entertained myself with the view of the morning and the greens on each side of the road. Thinking that all of it is borrowed.
"If I was the one driving, kanina pa tayo na-aksidente!" I said innocently.
He glanced at me and shaked his head. "Buti na lang pala at ako ang nagdadrive..."
"Gago!" Inirapan ko siya habang natatawa.
Ang linggong ito ay hindi na-iba sa mga unang linggong ma-tao ang Healing Church. Sa dami ng tao ay sa labas na kami ng Kamay ni Hesus nakapag-parking. Halos mapuno na nga rin ang sa tingin ko'y isang pribadong lupa na ginawa na lamang parking lot.
Pinagbuksan ako ni Grant ng pinto at inalalayan. He opened an umbrella for us. He made sure that there was a good amount of shade for me. I almost think that he opened the umbrella not for us, but only for me. We cross the streets and walked the distance from where we are to the entrance of the church.
Hindi nga ako nag-kamali sa dami ng tao. Sa tingin ko ay hindi na kami makakapasok sa mismong church at sa labas na lamang nuon makaka-upo. Nagpapasalamat na lang ako na nakaabot kami sa pang alas-diyes imedya na misa. May mga nakita ako doong kakilala pero hindi kagaya ng rami ng mga taong binati si Grant.
I guess, family friends?
"Malayong mga kamag-anak..." Sinabi niya iyon na parang alam niya ang tanong sa aking isipan.
"Sana all!" Sinabi ko iyon nang hindi pabulong kaya medyo sinaway niya ako kahit hindi naman iyon ganoon kaingay.
"Nasa misa tayo miss, wag maingay." He said, rising one brow at me.
Hinampas ko siya nang bahagya ng aking pamaypay. Inagaw naman niya iyon, at hindi na sumagot. Ang tumatamang hangin mula doon ay mahina at malumanay, sapat na para ma-ibsan ang init ng panahon. Siya ay seryoso habang namamaypay at nakikinig sa sermon ng pari. His shades hanging on his shirt, his watch in silver color looking expensive and the detail of a bear in his white shoes. It was very little but it was enough to make me giggle before proceeding to listen to the mass.
Be good, Dale. Wag kang kiri, si Lord muna.
Tumayo na kami dahil sa pagkanta at paghahawak kamay. Hindi niya nahawakan nang mabuti ang aking kamay dahil sa hawak o talaga bang sinadya niya iyon?
Matatapos na ang misa at naka-upo na ulit kami sa mga monoblock na nandodoon. Iniintay ang concluding rite. Nawala siguro sa isip ni Grant ang ginagawa niya kanina. Hindi na gumagalaw ang kanyang kamay ngayon, na kanina'y ginagamit sa pagpapaypay. Nakaupo lamang siya at may mahabang pasensya sa pagiintay. Siniko ko siya ng mahina at agad naman siyang lumingon.
"Number 4, please." I pointed at the fan and even fanned myself with my own hand for the full effect.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng seryoso.
"Hanggang number 3 lang po ang kaya, miss." Siya, at nagpatuloy sa pagpapaypay.
I narrowed my eyes at him but he only paired my piercing eyes with his, being playful.
Natapos ang misa at bumuhos ang tao palabas mula sa aming pwesto. Batid ang mga taong kakilala ni Grant, may lumapit pa nga sakanyang ibang mga kaibigan. Nakita ko din doon si Adrian.
"I'm with Dale..." he said calmly to his friends before introducing me. I was surprised that he introduced me. Not that it was a bad thing. Siguro ay hindi lamang talaga ako sanay.