I finished my exams and thankfully hindi naman iyon pasang-awa. I think I actually did good. Salamat na din sa pag-rereview ko ng maaga at sa mga block-mates kong nagpahiram ng mga reviewers.
After our hell/finals week I got invited to one of my block mate's birthday party. I said 'yes' because I am eager to meet new people and new friends. I also want to be closer to my block mates because I didn't got the chance to do so because of the 'things' of the past.
Ew!
I just smiled and shrugged off my thoughts about it.
Ngayon lang siguro ako lalabas o magpaparty ng hindi kasama ang barkada ko. I smiled at that thought, not because I didn't appreciate all we've gone through but because I think it's really healthy for me to try these new things.
I was putting on my make-up when I heard a beep on my phone. I first dabbed my peach colored balmed on my lips before I picked up my phone.
Gabi:
Hoy babae! Invited ka sa birthday ni Jake?
Nagulat ako sa pag-banggit niya sa may birthday na block mate ko.
Me:
Yup, why? You know Jake?
Tumitig ulit ako sa aking salamin. My hair a little wavy, falling on my delicate shoulders. I am wearing a beige ruffle strap square neck croptop. I paired it with my fitted high rise jeans—my small waist showing.
I was almost done nang nakatanggap ako ng tawag kay Gabi.
"Wow, miss na miss ako ah!" Bungad ko sakanya habang inaayos ang aking white shoes.
I put her on loud speaker so I can tie my shoes properly while speaking to her.
"Oo din, pero hindi yan ang aking sadya sayo!" She said almost hysterically laughing at the line.
Kilig ata ang ate mo?
"Ano meron? Kilig ka dyan ah! Share naman, sis." Sabi ko at natatawa na din dahil masyado siyang halata. Inunahan ko tuloy. "Feeling ko si Jake na may birthday ang bebe mo!"
"Gaga ka! Sunduin mo ako dito sa bahay at dito ko i-kwento. Sabay tayo pumunta duon!"
I knew it! Pero—wait—-what?! Puntahan ko daw?
"Aba ang kapal ng mukha! Ikaw pa pupuntahan ko?" She only laughed at my reaction and ended the call.
Luh?!
Ang paalam ko lang kay papa ay sa Iyam ako magpapahatid at hindi sa may Diversion lang. Nag-isip ako ng dahilan pero dumating din sa akin na—-It's Gabi! So, my papa will get it immediately. Sana lang ay hindi siya naka-inom para maganda ang mood sa pagbabago ko ng distenasyon na paghahatidan.
"Uh pa..." I said calmly.
Trying not to escalate my papa's temper.
Tumingin siya sa akin or more so sa suot ko. Probably judging me because of it. Tinaasan niya na ako ng kilay, senyales na dapat ko nang tapusin ang sasabihin ko.
"Sa bahay na lang po nila Gabi ako magpapahatid." Now, I'm smiling. Para hindi na siya mag-tanong pa. Ngunit, wala ata siya sa mood kaya medyo matalas ang salitang lumabas sa kanyang bibig.
"Tell it to the driver! Sa tingin mo ba ay ako pa ang maghahatid sayo? Do you think I care?" Medyo pagalit niyang sinabi.
I slightly nodded and felt defeated all of the sudden. Nakainom lang siguro kaya ganyan.
Akala ko naman ay kailangan ko pang ipaalam ang pagbabagong iyon sa plano. Well I guess not right?
My papa still don't allow me to drive a car or atleast use one of our cars to go to school. I am only allowed to so if may pupuntahan ako outside school. I figured that I'm still grounded, kaya ganito na lamang ang kaba ko sa pagpapaalam pero yun pala dapat ay hindi ko na ginawa o sinabi pa ito.