Nalakad na namin ang kabuoan ng kanilang farm. Ang usapan ay lumalim at nagpatuloy hanggang makarating kami sa harap ng lawa. Sa aming kinauupuan ay tanaw ang mga puno ng niyog, mula duon ay sumisilip ang panghapong araw at ngumingiti ang liwanag mula duon.
The peace and silence that the place gave us was enough to make me think out loud.
"When you think of your dreams, do you see it clearly?" My thoughts pouring out of my mouth before I can stop it.
Nilingon niya ako at ipinilig ang ulo sa kabilang banda.
"Para sa akin, hindi... hindi agad." Tumikhim siya at umupo ng tuwid na parang normal na sa kanya iyon.
"My dreams came to me when I listen to a beat or if I sway or move my body along with it. Tuwing ganoon nasasabi ko sa sarili ko na, ito, ito ang gusto kong gawin." He continued. The light from the mini lake reflecting in his eyes made it more like a picture perfect moment.
Natahimik ako, iniisip na ganoon din siguro ang akin. Na kung sakanya ay ang indak ng tugtog at katawan ang nagsasabuhay ng kanyang pangarap, ang sa akin naman ay ang panahon at buhay. Ang paglalathala nito sa pelikula, iyon ang aking pangarap. Ngunit parang malabong mangyari, parang ang labong mahawakan. Iniisip ko pa lang ay umiingay na ang boses ng aking ama sa aking isipan.
"Life should be live with our own choices." When he said it like that it seems easy, it even seems possible. Like it is of reach.
I just smiled but he seems to see right through me.
"Dreams are there for us to believe in the impossible. And for you to achieve it, you have to believe in yourself to make it possible." Nilingon ko siya at bahagyang natigilan, sinusubukang maniwala na ganoon nga.
"Sana..." I whispered.
"At the right time... I know you will be there, in places you are supposed to be."
"I hope time allows me to do so," Time—being my father.
And in silence, I wish for my dreams to be true.
Nagpaalam saglit si Grant na aalis at may kukunin. Kumunot ang nuo ko pero napawi din agad iyon nang wala pang isang minuto ay nakikita ko na siyang tumatakbo pabalik sa akin. Natawa tuloy ako. Madaling madali, ah?
"Let's take a picture?" Hinihingal niyang sinabi, habang hawak ang isang polaroid camera.
Tumango ako habang natatawa. Siya naman ay medyo namumula dahil sa pagtakbo. Umupo ulit siya sa aking tabi at kinalma ang sarili. Unti unti ay naging normal na muli ang kanyang paghinga at nahabol nang tuluyan iyon.
Palihim ko siyang pinagmamasdan habang hawak niya ang camera at inaayos iyon para makakuha na kami ng litrato. Ang kanyang mga kilos na nagsusumigaw ng kasiguraduhan ay humihele din ng kabanayadan, isang bagay na nagpaalala sa akin na lahat ng ito ay bago sa akin. I am used to pain, to chaos, and most of the time, I even embrace it with both arms. And this... the sun setting, the stories and the calm of our laughthers made me found the calm---my calm.
Humarap siya sa akin pag katapos nang ilang segundo at tinuro ang camera. Ako naman ay agad na umupo ng ayos at ngumiti. Bahagyang pumipikit ang mata dahil doon. Tumama ang liwanag sa akin mula sa camera, kasabay din iyon nang aking pintig ng puso.
I felt it, but I instead proceed to pretend that I didn't.
"Patingin..." Lumapit ako sa banda kung saan siya naka-upo. Agad naman niyang inabot ang film sa akin. Hindi pa lumalabas ang litrato kaya iwinagayway ko iyon. Siya naman ay nakatingin lamang kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti siya pero agad ding binawi at iniwas ang tingin. Ngumiti lalo ako ng malapad.
"Let's take our picture now." I said.