Chapter 8

15 2 0
                                    


"Ano? Babalikan mo pa rin?" Asar na tanong ni Rox habang naglalaro sila nila Leo at Blake ng uno sa aming living room.

It's a Saturday of September, a week from my birthday. Pinili naming dito tumambay sa bahay dahil sa mga natitirang pagplaplano sa birthday ko kaso wala atang matatapos dahil puro 'mamaya' kami. Wala rin kasi si papa dahil sa isang business trip kaya libre ang bahay at mga househelps lang ang nandito.

"Luh, galit na galit sis, jowa mo?" Panloloko ko na parang magaan lang iyon sa akin.

"Hindi! Kaibigan ka namin kaya ganito." Seryosong saad ni Leo.

"Uno, bitch!" Sigaw ni Blake kay Rox na iisa na ang card na hawak. Naunahan pa nga. Napa-face palm ako.

"Ang tanga, bro." Sigaw ko.

"Eh? Coming from you?" Pinakyu ko kaagad si Tati habang nasa couch kami. Hinila naman niya ang buhok ko.

"Aray ko!"

"Talagang masakit! Pero hinahayaan mo lang!" Sabi pa ni Maddie na kadadating lang galing ng kusina at may hawak na apple.

"It's a toxic kinda love if we try to fit it in a narrative of 'good', Dale." Sabi ni Tati sa akin habang ako naman ay hindi na makatingin sa mga kaibigan ko ng diretso—hindi handa sa pag kakalagay sa hot seat.

"We respect your decisions, you know that right?" Sabi ni Gabi habang dala na ang meryendang hotdog at sandwiches na nasisigurado kong gawa ng kasunod niyang si Shelbs—na may hawak na ring juice sa kaliwang kamay at mga baso sa kabila. Halata na nabibigatan.

"Hoy Maddie! Punyeta ka, hawakan mo 'tong mga baso." Tumatawang sumunod si Maddie at inilagay iyon sa may bar.

"Nge ako apple!" Binato iyon ni Maddie kay Blake at agad naman niya iyong nasalo.

"Hayop ka!" Saway ni Blake dahil muntik na siyang matamaan.

"Oh, baka may halo yan ah!" Turo ni Leo sa juice habang tumatawa dahil talo na nga si Rox. Mula sa nag-iisa kaninang card, ngayon ay siya na ang pinakamarami.

"Fvck shit!" Mura niya pa habang hinahaplos ang medyo kulot na buhok.

"I know... Hindi lang kasi siya nagrereply pero alam ko naman na magiging ayos din kami. Tyaka ganun naman talaga kami, diba? Alam niyo naman." Pagpapatuloy ko sa tanong ni Gabi na nalunod sa dami ng nangyayari dito sa sala.

"See..." turo ni Myca gamit ang palad sa akin, na parang nakikita sa harap ko ang mga sinabi ko. "You are making excuses, can't you see those are red flags, already."

"Simula pa lang nung nakita natin siya na kasama si Karen sa SM..." dagdag pa ni Shelby, hindi alam ang mga kasunod na mga tagpo pagkatapos ng nangyaring iyon. Leo never mentioned it to them too... but somehow I felt like they knew—kahit hindi ako magsalita.

"That's not just a RED FLAG! THAT WAS THE REALITY YOU CHOSE TO IGNORE FOR NEARLY TWO YEARS!"

Sigaw sa akin ni Maddie.

"Dale..." Yakap niya sa akin pagkatapos isigaw ang gustong sabihin.

Ganto 'to e.

Matalas lang ang dila pero mahal kami. Napatawa ako habang pinipigilang umiyak. Hindi nila alam ay konti na lang ay tutulo na ang luha ko. Para akong sasabog sa nararamdaman ko—sa sakit at pagod na pilit kong itinatago sa kanila.

I just smiled. Trying to hide the bitterness, and the painful cry of my heart I choose to ignore, because I don't want them to see it.

"But you love him too..." She said very sure of it. "I thought he was a good boy, but he's not."

Beyond the Us ( Hangover Series #1)Where stories live. Discover now