"Ikaw magfifirst move?"Nandito kami ngayon sa Wild Wings, kakain kami ng lunch. Si Jelo ay nakakunot ang nuo habang kinakamot ang ulong semi kalbo.
"Hindi ah, ikaw nag first move e!" Irap ko sakanya habang tinatali ang buhok. Inaantay namin ngayon si Myca at Gabi.
Pareparehas silang Maryhill nila Jelo. Iba nga lang ang section. Ako lang ang Sacred Heart ang school kasi wala daw pipili duon at ako daw dapat. New environment din sabi ko.
Hindi sinabay ng mokong ang dalawa dahil may dala daw siyang chix kanina. Baka daw maging awkward pag sinama niya. Hindi sumama si Tati at Maddie, malayo daw kasi at baka daw malate sila. Sa Enverga kasi nagaaral kaya baka maubos lang sa travel time kung dito pa maglulunch. Mamaya namang hapon ay magkikita-kita kami sa SM. Magpapameryenda daw kasi si Mayora Shelby.
Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa kabilang table. Tinitingnan ang mga senior high. Palihim na lang akong napailing. Gusto niya kasi yung mga matatanda sakanya. Ewan ko dyan. Whatever, wala akong care basta happy.
"Dalwang araw mo ng hindi nireplayan yung message. Muntanga naman pag bigla kang nag-reply." Kinakalikot na niya ang phone ko at nakatingin dun sa message na hindi ko inopen na mula kay Liam.
Hinahalughog ko ang bag ko para kunin ang tumbler ko dahil nauuhaw na. Uminom muna ako bago sumagot. "Gagi, ano namang sasabihin ko? "
"Sabihin mo 'sorry late reply kumain lang' ganun!" tumawa pa siya habang kinuha na rin ang tumbler ko at ininuman.
"Sige ubusin mo na din!" Sarkastiko kong sinabi sakanya.
Inirapan niya lang ako.
"Tagal nung dalawa, baka hindi na ako makapag-compshop."
"Edi wag, maya na lang hapon sa Netopia. Pupunta sila Rox at Blake mamaya." Tyaka pinapapunta din ako ni madamdaming si Maddie.
"Masyadong mayaman si Rox sis! Di ko afford ang netopia. Dyan lang ako sa tapat!" Tinuro niya pa ang malapit na comshop.
Umirap ako dahil wala naman sa aming 'can't afford'. Meron lang ngang kuripot at buraot. Katulad nitong kasama ko ngayon.
"Tanga, di naman magcocomputer yun. Si Leo baka yun pa."
"I know right!" Sabi niya hindi naman nakikinig dahil naglalaro nanaman sa phone niya.
"Libre mo ako ngayon ha?" Lumingon ako sa may entrance at agad na ibinalik yun sa harap dahil sa gulat.
Shit! Nandito siya!
Nag-panic agad ako at napahawak sa ponytail ko. "Gago maayos ba?" Biglang tanong ko kay Jelo.
Napalinga-linga naman ang mata niya at nang makita ang nakita ko nilakasan niya ang boses niya.
"Alin DALE?!!"
Putangina talaga nito.
Sakto namang dumating na si Myca at Gabi they're wearing their green skirt and green necktie. I am panicking, they noticed it kaya umubo sila ng malakas. As in, MALAKAS.
"San kaya sila?" Pagkukunwari pa ni Gabi na hindi kami nakikita. Oh, for goodness sake!
"Dale, DAHLIA, nandyan pala kayo." Pinagdiinan pa ni Myca ang pangalan ko.
Gusto lang ng mga itong magpalibre. Pag nag-papanic kasi ako ay bigla akong nabubudol ng mga ito kaya sheyt.
"Tigilan niyo ako!" Nakaupo na sila Myca. Si Jelo naman ay hindi pa talaga tumigil.