Teddy Bear Guy:
Good morning!
I smiled and remembered his shy and 'kilig' face last night when I told him that I in-fact miss him. Hindi rin naman siya nagtagal kagabi. Pinauwi ko na din dahil sa lalim ng gabi, uuwi pa siyang Lucban at kahit magaling siyang magmaneho ay hindi ko pinagkakatiwalaan ang dilim. Lalo na't mag-isa siya.
My morning was bright and full of energy. I woke up early and even have enough time to jog around the village. Tagaktak ang pawis ko habang tinitingnan ang aking watch at nakitang naka 8 kilometers na ako. I smirked inwardly being proud of myself for achieving such a thing today!
Little things matters.
Paliko na ako sa may street nila Rocco kaya napatigil ako at iniisip kung dadaan ba ako. Sa huli ay ganoon nga ang ginawa ko at nag-doorbell na. Their househelp immediately recognized me and let me in. Kakapagbukas pa lang sa aking ng kanilang katulong ay naririnig ko na ang boses ni Rox.
Dumiretso ako sa likuran ng bahay nila kung saan siya at nag-lilift ng weights.
"Oh, bwisita. Bakit ka nandito?" Pinakyuhan ko siya at agad na umupo sa kanilang outdoor sofa.
"Wala, nambwibwisit lang..." Nag-kibit lang ako ng balikat at inisip na hindi pa pala kami nakakapag-kwentuhan nito. Nagpatuloy lamang siya sa kanyang workout kaya inabala ko ang sarili ko sa mga pagkain na nakahain duon.
I made myself so comfortable there that I even poured myself a cup of juice and ate some of the bread there. Hinampas ni Rox ang kamay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nyeta ka!" Pinakyuhan niya ako kaya nga lamang ay nahuli siya ng kanyang mama.
"Hey Rocco..." Saway sa kanya ni Tita Roxane ako naman ay nag-bless at bumati.
"Kayong mga bata talaga."
Makahulugan niya akong sinamaan nang tingin kaya tumawa na lamang ako, dahil kilalang kilala talaga ni tita ang barkada namin. May reputasyon kami sa kanya kanyang mga magulang na hindi gaanong kagandahan ngunit alam nila na hindi naman kami masasama.
"How was last night, sis?"
"Secret..." I said and sipped on my juice.
Before he could even respond my phone beeped. It was Grant's chat. I immediately unlocked my phone trying to maintain a poker face just to not receive some teasing from my best friend but I failed miserably.
Grant Dalton: How's your jog?
Grant Dalton: Can I date you today?
I coughed to hide my smile but Rocco was already commenting on my slight change of mood.
Me: It was okay...
Me: Tinatamad akong lumabas. : (
Hinarap ko ang aking kaibigan at siya ay humalakhak lang. Umiwas nang tingin at bumuntong hininga.
"I'm glad that you are actually... truly..." He side eyed me and continued.
"...Happy."
I pouted and felt a little pang of sadness because I know what is happening to him.
"I'm here to check up on you..." I said quietly but he cut me off.
"Gago kayo!" Tumawa siya kaya sinamaan ko nang tingin. "Masyado na kayong clingy nila Blake!"
"Umaayos ka ha!" Tumango-tango lang siya habang kumakagat sa kanyang tinapay kaya sinapak ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at tumawa ulit. Pilit paring itinatago ang kung ano. My eyes still remained at my friend before looking again on my phone. Hindi pa doon nag-rereply si Grant. Kumunot ang noo ko dahil wala sa karakter niya na hindi agad sumagot sa aking mga chat.