"Happy Birthday Liam!!!" Sigaw namin pagkabukas niya ng pinto.
His shocked expression, made me smile. It made the efforts and the time of the people behind the surprise worth it.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya, nakangiti. I am holding a round cake, lit by candles in every sides of it.
"Happy Birthday to you~" nagsimula kaming kumanta at siya naman ay lalo pang ngumisi.
"Happy Birthday Liam!" Sigaw ulit namin ng hipan niya ang kanyang kandila at natapos kaming kumanta. He hugged me, briefly.
"Thank you..."
Nilingon niya na ang iba niyang kaibigan kaya nabitin ang aking mga braso sa ere. Binaba ko iyon at ngumiti na lang. Naiwan tuloy akong mag-isa duon.
I was preparing for this surprise for a whole week. I sighed and silently thanked everyone who helped. Masaya siya, that's what matters.
Ang birthday party ay ginanap sa bahay nila, they have a nice house. Not as big as our house but it was nice and modern. Na-meet ko ang parents niya kanina dahil kay Chelsea. Close na close siya sa mag-asawa, kaya bahagya akong nainggit.
"Uh...tita this is Dale, Liam's special friend." Kumindat sa akin si Chelsea habang nginingitian naman ako ng mag-asawa.
"Hi, hija!"
Maligaya akong niyakap ng mama ni Liam. Ang gaan sa pakiramdam na kahit papaano naman ay kilala ako bilang 'special friend'.
Nag-dinner muna sila kaninang pamilya bago umuwi kaya nakapaghanda kami dito sa bahay nila. His parents also chose not to interfere and let us have our own party in their house.
We set it up on their spacious kitchen extended in the living room. There are baloons and a big happy birthday sign near their TV. Maraming booze and there is also music— I man LOUD music.
Nakaupo ako sa isang monoblock habang siya naman ay nasa mga kaibigan niya at bumabati. He was all smiles and very moved by the surprise. Nang matapos siya duon ay hinanap ako ng mata niya, nang nakita niya ako ay agad niya akong nilapitan.
"Hey..." he pulled his chair closer to mine and hugged me again. "Thank you, for all this. I appreciate it all." He said sincerely.
"Hoy pre, shot na!" Tinapik siya ng isang kaibigan niya. "Bawal ako," sabi niya pa ng pabiro.
"Gago!" Tulak sa kanya ng bahagya.
"Do you drink?" I don't, if hindi ang mga kaibigan ko ang kasama ko. Umiling na lang ako, kumunot ang nuo niya at tumayo. Kumuha siya ng tubig na nakalagay sa red cup, at inabot sa akin.
"Drink up, cheers!" Tumawa kaming dalwa ng malakas at sinunod ko naman ang ginawa niya.
"Ano 'to? Cuervo?" Pagbibiro ko habang nagpapanggap na naasiwa sa lasa. Kinurot niya ang pisngi ko at tiningnan ako ng matagal naputol lang iyon ng tinawag siya ng kaibigan.
"Liam, Let's take a picture!" Hila ni Chelsea sakanya, tumayo naman siya agad habang natatawa. Kinawayan din niya ako kaya lumapit agad ako duon.
"Dito ka sa tabi ni Liam." Minuwestra niya ang space sa may tabi ni Liam at duon ako pumwesto.
Marami kami duon sa picture. Nanduon ang mga ka-batch ni Liam, halos lahat ay hindi ko kakilala. Nakaramdam ako ng kaunting takot sa unfamiliarity. It was something I'm not really used to. To be left in the unknowns of people who don't even know my name. Si Liam at Chelsea lang ata ang pamilyar sa akin dito.
Liam is so happy though, so I let him be.
Lumabas ako sa kanilang porch para makahinga ako ng konti. Iniisip ang regalong ibibigay ko sakanya. Will he like it? Or is he actually ready for that? Or am I really ready to give it my all?