-*
She is Vociferous girl.
She has many imperfections and flaws.
She is not a typical kind of Girl.
But
She's one of the kind.
-*
××××
"Baboy!"
Lakad lang wag silang pansinin. Bulong ko sa sarili ko.
"Dambuhala!"
Wala kang naririnig.
"Ang Laki ng Mata mo!"
Maganda kaya mata ko sabi ng Lolo ko. Sabi ko ng pabulong habang patuloy sa paglalakad.
"Lolo mo kalbo!"
Humigpit ang hawak ko sa bag na dala ko.
"Oy Panget! Magkano isda?!Hahahahahahaha"
Tama na pleaaaseee.
"Kapit kayo nalindol!"
"Ang Lansa Iww!! Alis nga kadiri!"
"Bawal ka dito! Ampanget mo!" pahabol na sigaw nila habang naglalakd ako pauwi.
Minsan naiisip ko nalang na Sana lahat maganda, sana lahat walang imperfections at sana lahat ng tao kayang rumespeto ng kapwa tao.
Palagi akong tampok ng asaran bata palang ako, palagi din akong sinasabihan ng ibang tao na wala akong mararating sa buhay na sa palengke lang din daw ang bagsak ng katulad ko. Mag-aasawa lang din daw ako ng maaga. I don't know what to do at the very young age people keep on judging me. Hanggan sa nasanay nako. Laging pasok sa kabilang Tenga labas sa kabila. But I won't deny, it really hurts everytime they make fun to me.
"Anong nangyari sayo? Bakit busangot na naman ang mukha mo?" Salubong na Tanong sakin ng Lolo ko.
"Wala po tatay, napagod lang po ako." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Osya Ikaw talagang Bata ka tara na dito sa loob, magmerienda tayo pinagluto kita ng paborito mo." Sabi ni tatay sabay yakap at halik sa pisngi ko.
Wooooh!!! Sarap sa feeling ng inaasikaso ng gwapong gwapo kong Lolo na tatlo nalang ang ngipin isa sa baba tapos dalawa sa taas Hahahahahahaha.
Bata palang ako Lolo at Lola ko ang lagi kong kasama. Nasanay na akong na hindi ko laging kasama ang magulang ko, kasi kailangan nilang pumulas para magtinda sa palengke at naiintindihan ko namang para sa amin din ang mga ginagawa nila. May Kapatid din ako at malimit kaming maiwan dalawa sa mga Lolo at Lola ko.
"Tay."
"Bakit nak?" Sagot sakin ni tatay habang kumakain kami.
"Tatay, bakit ganon? Bakit lagi nalang po akong inaaway ng mga tao? Bakit lagi nalang po nila akong inaasar?" Tanong ko kay tatay ng hindi makatingin sa kanya.
"Bakit apo may nangyari ba?"
"Tay may mali po ba sakin? Mali po bang maging mataba? Mali po bang hindi ako katulad ng iba na maganda?"
"Walang mali sayo apo ko. Walang mali sa pagkatao mo, nasa tao ang mali. Hindi Mahalaga kung anong itsura mo o kung sino o ano ka pa ang Mahalaga kung pano ka rumespeto at gulang sa ibang tao."
"Eh, tatay bakit ganon? Kahit hindi ko naman sila pansinin may sinasabi pa din sila sa akin. Kailangan ba pumayat at gumanda ako para tanggapin nila?"
"Hindi mo kailangan yon apo, sapat ng maging totoo ka sa sarili mo sapat na maging mabuti kang tao." Sabi ng Lola ko ng hindi ko namamalayang nakalapit na pala sa amin.
"Tama sya apo. Hindi mo kailangan ng ibang tao ang mahalaga tanggap ka namin ng Lola mo kung sino at Ano ka pa. Hindi mo kailangan pagsiksikan ang sarili mo sa kanila ang mahalaga nandito kami ng Pamilya mo ang Mama at Papa mo ng kapatid mo at ang mga Pinsan mo para sayo at mahal na mahal ka namin. Tsaka lagi mong tatandaan hanggat kaya pang iwasan ang gulo iwasan pero hindi din masamang ipaglaban ang sarili basta nasa tama ka wag kang papaapi. At lagi mong tatandaan, talikudan man kayo ng ibang tao, ako ang kaunauhanang tatangap at pipili sa inyo. At hinding hindi magsasawa si Tatay na piliin at mahalin kayo." Sabi ng Lolo ko ng may malaking ngiti sa kanyang Labi.
××××
I am staring at the night skies that somber and starless while remembering what my Grandparents told me.
And I realized not all will accept us from who we really are, not everyone will discern and they will judged you as long as they want. Most of the time people will say everything they want to say without thinking if that will hurt your feelings.
-*
YOU ARE READING
A Genuine Love
General FictionZephyr has a Wonderful kind of family that makes her believe in A Genuine Love. But what will happen if they encounter paroxysm that will ruined their Companionship and Life. Where exactly is this love going to take them? Will they be preserved by w...