Chapter Twenty Four

96 10 0
                                    

Naging mabilis lamang ang takbo ng araw ng linggo. Nang araw na iyon madalas lahat kami ay tulog dahil din sa kalasingan na naramdaman kagabi.

-

Pagsapit ng Lunes ng umaga. Tahimik na kapaligiran ang bumungad sa akin. Ang mahinang hilik ng aking katabing si Zack at ang tunog ng orasan lamang ang maingay ng oras na iyo.

Alas kwarto pa lamang ng madaling araw ngunit heto ako ngayon at gising na gising na. Dahan dahan kong inalis ang nakayakap na katawan ni Zack sa akin at marahan akong bumangon at lumabas ng silid. Hindi umuwi ng apartment ang mga pinsan ko kung kaya't ng makalabas ng silid naabutan ko ang mga tulog na tulog na kalalakihan sa salas, mahina itong mga naghihilikan at magkakayakap pa. Apat na naglalakihang lalaki magkakayakap habang natutulog. Lumapad ang ngiti ko at muli silang sinulyapan. Lumakad naman ako papunta sa kabilang silid at sinilip ang mga tulog na tulog na kababaihan. Si Ate Eury na nakayakap sa unan, Si Ariadne at Macy na animo'y mawawala ang isa sa kanila kung magyakapan at Tita Cy na balot na balot ng kumot.

Nagtungo ako ng kusina, ngunit maaga pa ay nagsimula na din ako ng kakainin namin ngayong umaga.

Nang matapos ako sa paghahanda ko sa lamesa, Unti unti ng nagsisimula ang ingay sa buong Unit. Nakita ko ang paglabas ng mga babae sa kanilang silid at dumiretso sa mga kakalakihang tulog pa, habang si zack naman ay dumiretso papalapit sa akin.

"Good morning." Sabi ko dito sabay halik sa pisngi nito.

"Good morning meu querido." inaantok pa din na sabi nito.

"Salamat pala don sa ano nung sa sabado, yung surprise Thankyou." Nahihiyang sabi ko ng may ngiti sa labi.

"Welcome. Lahat gagawin ko mapasaya ka lang."Tugon naman nito sa akin.

"Korni sa umaga." Nangaasar na sabi ko naman dito.

"Oks lang, mahal mo naman." Ganting asar na sabi nito.

"Confident much?" Nangaasar na tanong ko at tumatawang tumango naman ito.
"Thankyou talaga." paguulit kong muli.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nito tumayo sa kinauupan at lumapit sa akin.

"I love it." maikling sagot ko.

"Hmmm. Pero mas maganda yung regalo ko sayo nung umaga." Makahulugang sabi pa nito sa akin habang may ngisi sa kaniyang labi. Kinurot ko ito sa kaniyang tagiliran at tatawa tawa lamang ito.
"Tunay naman. Yung surprise regalo naming lahat, pero ako may solo akong inireglo sayo."Nangaasar padin na sabi nito.  Nahihiya naman akong sumobsob sa kaniyang dibdib.
"Baby ang niregalo ko sayo. Next year Nanay at Tatay na tayong magcecelebrate ng kaarawan nating dalawa." Dagdag na sabi nito sabay pagpapaulan ng halik sa aking Ulunan.

"I love you." Tanging nasabi ko.

"I love you so much." Muling tugon nito sabay halik sa aking labi.

"Aga aga napakalandi." Pangbubungad na pangaasar ni Tita Cyrill sa amin.

"Lula naman!" Nakangusong sabi ko ng humarap dito.

"Ano?" Tatawa tawang sabi nito.
"Sana pala hindi ko na pinauwi si Angeles, para hindi ako naiingit Hahahahaha." Dagdag pa na sabi nito at parang timang na tuwang tuwa.
"Nakapagluto ka na pala. Aga mong gumising. Himala." Pangaasar na sabi pa nito.

"Hanep! Tara na ngang maghanada don sa salas." Bugnot na sagot ko, narinig ko naman na pinagtatawanan nila akong dalawa ni San Juan sa aking likudan.

-

Nang matapos kaming kumain nagkanikaniya na din kaming gayak. Naunang umalis sina Mikael, Macy at Ariadne dahil maaga kaysa sa amin ang kanilang Schedule. Si Tita Cyrill naman ay sinundo na din ni Kuya Zechariah para pumasok sa trabaho. Kasalukuyan kaming nasa salas ngayon at inaantay ang hindi pa tapos na magayos na sina Kuya JM at Zack na animo'y mga babae sa bagal kumilos.

A Genuine LoveWhere stories live. Discover now