Chapter Six

96 12 2
                                    

Cyrill's POV

Mabilis lumipas ang mga araw. Halos dalawang buwan na din simula ng lumapit dito sa Maynila si Macy, at Halos isang buwan na din simula ng kulitin ni Zack si Zep. Isang linggo nalang ay Araw na ng mga puso. Kasalukuyan akong nagaayos ang gamit ko para umuwi kakatapos lang ng oras ko sa OJT.

"Bakla. Una na ako ah? Alam mo na Duduty pa ako sa Jowa ko! HAHAHAHAHAHA" Sabi sakin ni Mikee ang bakla ng taon.

"Osya sige sige. Patapos na din naman ako dito. Ingat ka" sagot ko habang nagaayos ng sarili.

"Ingat"

Nang matapos akong magaayos nagpaalam na din ako sa iba pang mga Empleyado ng Kompanya.

"GoodBye Ma'am. Ingat" Sabi ni Manong Guard.

"Salamat. Ingat din po kayo mamaya" Magalang na sagot ko.

Habang nagaantay ng masasakyan Jeep tinawagan ko si Eury at nagsabing pauwi ako, sabi naman nya nasa bahay na daw silang lahat si Zep na daw ang nagluluto.

"Ano ba naman yan Punuan ang Jeep." bulong sa sabi ko

"Psst" Sitsit ng kung sino. Nilingon ko sya ngunit ganon nalang ang takot ko ng makita kong nakasasakay sa Motor at diretso ang tingin sa akin.

Sa takot don sa sumitsit na hindi ko kilala lumakad ako ng lumakad hanggan sa may nakita akong tindahan. Pero Lalo lamang akong natakot ng tignan ko ulit sya ay nakitang nakasunod ito sa akin. Lalo kong binilisam ang aking paglalakad upang mas mapadali ang punta ko sa tindahan.

"Psst." Tawag pa din nya at hindi ko alam kong sino sya dahil sa nakasuot ito ng Helmet.

At nagkunwari nalang akong bumili sa tindahan para may makapansin sakin.

"At-e-e. Ate pa-pabi-li nga-a po." Sabi ko na pautal utal dahil sa takot.

Nang bigla nalang narinig ko ang yapak nito sa Likod at bigla sa balikat ko.
Putek! Jusko po!! Ayaw ko pang mamatay!!

"Pa-a-abili po." Tawag ko padin sa may tindahan.

"Myloves ano ba kanina pa kitang tinatawag bat di mo ako Pinapansin."

At pagtingin ko----

Bwisit talaga! Bwisit na lalaki talaga!

Pinaghahamapas ko sya dahil sa galit at takot don sa Ginagawa nya.

"Ara--y! A-w-aray naman mylovees!! Ma-sa-kit awwwww!!" Sigaw nya habang patuloy padin ang panghahampas ko.

"Walang hiya ka talagang Lalaki ka!!" Sigaw ko sa kanya na patuloy pa din ang paghampas sa kanya.

"Aray ko Myloves ano ba. Awtsss sakit mo naman magmahal araaay" Patuloy padin ako sa aking ginagawa.

"Alam mo ba kung gaano ako natakot sa ginawa mo Angeles!! Bwisit ka! Bwisit!" Sabi ko habang nangangatal padin at halos magtuluan na ang Luha ko.

"Fvck! Myloves Tama na awww---"
"Sh*t Tumahan ka myloves sorry". Sabi niya sabay yakap sa akin.

"Walangya ka! Pwede mo naman kasi akong tawagin e!" Sabi ko habang naiyak kahit yakap yakap nya ako at pilit kumakalas sa yakap na iyon.

"Sorry na. Tinatawag naman kita hindi ka lang talaga tumigil" Sagot nya sa akin.

"ANGELES!! DI MO AKO TINAWAG! SUMISITSIT KA LANG! TAPOS HINDI MO INAALIS HELMET MO SA TINGIN MO SINONG HINDI MATATAKOT NON!" Galit na Galit na sigaw ko sa kanya

"Sorry na nga Myloves" Nakangusong sabi nya sa akin.

Akala mo naman kinagwapo mo yan??! Pwes hindi! Sobra sobra pa-- ano ba itong iniisip ko galit ako galit.

A Genuine LoveWhere stories live. Discover now