"Hoy Zack!" Tawag ni Kuya Jaan dito. Habang nagpapalitan sila ng tingin nina Kuya Geoff, Kuya Jm at Mikael.
"Ano?" tanong nito
"Alam naming Tourism ka pero bakit sobrang Fluent mo magsalita ng Portuguese?" Takang tanong ni Mikael
"Hmm. Tsaka diba sabi ko dati nung bata ako nakatira kami sa Lisbon kaya ayun." Sagot naman nya dito habang kumain.
"Eh kayo bat maalam kayo? Si Zep alam namin kasama sa Course nila yung ganon e kayo?" Sabi naman ni Kuya JM habang nakatingin kina Ate Eury.
"Eh kasi nga kapag nagaaral minsan si Zep nagsasalita sya ng ganon so nagpapaturo kami minsan para mareview din sya." Sagot naman ni Tita Cy.
"So kami lang kawawa dine?" sabi naman ni Kuya Geoff
"Oo para kayo lang ang Kunware ang Bobo Hahahahahaha" Pambabarang sagot naman ni Ate Eury na katabi si Bright na mahinang nakikitawa sa amin.
"Ay yabang nagkajowa lang mayabang na. Ganon pala ang ate Eury" Nangaasar naman na sabi Ariadne
"Nay si ate nagkajowa lang yumabang na Iww." Nangaasar na dugsong din ni Macy.
"Putek naman tahimik nga. Sinasabi ko lang na tamad talaga kayo at nakikiaral kami kay Zep." Sagot naman nito at kitang kita ang pagtalim na tingin nya sa amin na lalonng pinagatawanan naman namin.
"Ay sus parang hindi ganan yung sabi mo kanina Hahahahaha." Dagdag na asar ko. At lalo pang Lumakas ang tawanan namin.
"Kayo Kuya Bright at Kuya Zechariah makikitawa lang kayo? Wala man lang kayong ambag?" Asar ko sa mga ito na sinundan din ng asar ni Mikael.
"Magsalita naman kayo kahit mali! HAHAHAHAHAHA" sigaw pa ni Mikael
Samu't saring asaran ang pumuno sa aming kusina.
"Pero maiba so Rk ka talaga San Juan." Sabi ni Kuya Jm
"Hindi, Maganda lang naging trabaho ni Mom kaya ayon, doon na ako pinanganak at lumaki kasama din namin sina Lolo at Lola." Pahumble na sagot naman nito.
"Pahumble ang Pucha yabang! Hahahahaha" Asar din naman ni Kuya Jaan.
Walang humpay na asaran at tawanan ang ginagawa namin habang nakain sa hapag kainan. At sa paglipas ng oras nagsalita na nga ng waley si Kuya Zechariah at Kuya Bright na pinasisihan namin kasi ang Korni talaga. Mahihiya ang mais sa Kakornihan nilang dalawa. Habang inaasar sina Ate Eury at Tita Cy. At si Zack? Ito nasa tabi ko lang naman at pilit humahawak sa kamay ko at sa tuwing titignan ko sya ng masama abay ang Luko tumatawa lamang.
"Oy mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah?" Sabi ni tatay na nakapalit na pala sa amin.
"Tatay! Kain na po kayo" Sabi namin ni Ate Eury.
"Busog pa ako apo."
"Oh kayo kamusta naman? Magenjoy kayo ha, feel at home lang." Sabi ni tatay at tumingin kina Kuya Zechariah, Kuya Bright at Zack."Opo salamat po" Sabay sabay na sagot naman ng mga Luko.
"Bakit hindi nyo Ipasyal bukas ang mga kasama nyo."Sabi ni tatay sa amin at bigla naman nagliwanag ang mukha ng tatlo
"Oo nga ano?" Sabi ni Tita Cy sabay tingin sa aming lahat.
"Sige po bukas" sabi naman ni Kuya Geoff
"Osya sge dyan na kayo lalabas na ulit ako" Paalam naman nito sa amin sabay labas.
"Tara pasyal bukas" Sabi naman ni Kuya Bright.
"Oo nga Diba City of Seven Lakes ito?" sabi naman ni Kuya Zechariah
"Ay oo nga. Ipasyal nyo kami don" Sabi naman ni Zack at sabay hawak ulit sa kamay ko.
YOU ARE READING
A Genuine Love
General FictionZephyr has a Wonderful kind of family that makes her believe in A Genuine Love. But what will happen if they encounter paroxysm that will ruined their Companionship and Life. Where exactly is this love going to take them? Will they be preserved by w...