Nagkanya kanya na sila ng sandok ng kanilang kakainin. Si Zack ay pinagsilbihan ang kaniyang Mommy, ganon din naman ang ginawa ni Kuya JM at Kuya Jaan kay Nanay at Tatay. Ako naman ay lumapit sa mahabang sofa at tumabi sa naguusap na sina Nanay at Tatay pati ang Mommy ni Zack.
"Happy Birthday ulit Hija." Malambing na sabi nito sabay halik sa aking pisngi.
"Salamat po Mo-mmy." Nahihiya pa din na bigkas ko. Tanging ngiti lamang ang isinagot nito sa akin at nagsimula ng muling kumain.
"Tay, Nay, buti po nakapunta kayo."Maligayang sabi ko sa mga ito at muling naggawad ng yakap sa kanila.
"Buti nga. Pasalamat na lang talaga diyan kay Zack tsaka sa Mommy niya, na nagpadala pa ng sundo sa amin para daw isurpresa ka. Nahihiya naman kami pero gusto talaga namin kayong makita." Masayang sagot ni Tatay at tumingin sa Bulto ni Zack na nakikipagtawanan kasama nina Kuya.
"Mabuting tao ang batang iyan. Napakatotoong tao." Iiling iling na sabi ni tatay habang nakatingin pa din kay Zack. Habang ako ay nakikinig lamang sa kaniyang sinasabi.
"Nagpapasalamat ako kasi inaalagaan ka niya. Mahal ka ng batang yan apo. Nakikita ko sa mga mata niya na Mahal ka niya. Kaya hindi ko pinagsisisihan na pinagkatiwala kita sa kaniya." Dagdag na sabi pa nito at lumingon paharap sa akin na may Malaking ngiti sa kaniyang labi."Alam mo ba simula ng isilang kayong lahat, ang saya saya ko tapos palagi kong pinagdasal na sana kapag dumating yung panahon na magmamahal kayo sana yun na yung taong magmamahal sa inyo ng totoo."Nakangiti pa ring sabi nito.
"Ngayong nakikita ko na ang paglaki ninyo at ang iba sa inyo nakikita ko may mga nagmamahal na, gaya ng hinihiling ko masayang masaya ako. Ako ang pinaka masaya kapag lahat kayo nakahanap ng pagmamahal na nararapat sa inyo." Tila may humaplos sa aking puso. Naguumapaw sa saya ang puso ko."Osiya sumama ka na sa kanila. Araw mo ito, maging masaya kayo." Sabi pa nito at pinagtutulakan ako papunta sa mga pinsan kong malakas nagtatawanan.
Muli akong humarap sa kanila sabay sabing "Thank you po."
"Happy Birthday to you!" Sabay sabay muli nilang pagkanta ng makalapit ako sa kanilang pwesto.
"Thank you. Thank you." Nnakangiting sabi ko habang nagkukunwaring nagpupunas ng luha sa aking mga mata.
"Kantahan tayo dali." Anyaya naman ni Mikael sa amin sabay lapit sa mga instrumento.
"Kuya Bright ikaw ang kumanta para hindi na galit si Ate Eury sayo!" Malakas na pangasar naman ni Ariadne na naging dahilan ng malakas na tawanan namin.
"Huwag ninyong pakantahin yan at Uulan!" Mataray pa rin na sabi nito.
"Apo huwag masyadong mataray sige ka baka magsawa sayo iyan. Iwan ka." Nangaasar na sabi naman ni Tatay dito, lalong lumakas ang tawanan namin dahil dito.
"Tatay ikaw na lang po kumanta, haranahin mo po si Nanay." Sabi naman ni Kuya Geoff, at Game na tumayo naman mula sa pagkakaupo si Tatay at lumapit sa amin.
"Ne, dito ka dali samahan mo ako." Anyaya nito kay nanay, sabay naman lumapit sa banda namin si Nanay at ang Mommy ni Zack. At pumuwesto naman si tatay sa harapan ng Instrumento at tinetesting ang mikropono.
"Go Tatay!"
"Lolo namin yan!"
"Wooooh!" Kani-kaniya naming sigaw na may kasamang malakas na tawanan."Alam niyo na kung anong kanta, yung paborito ko." Sabi nito kina Kuya at tsaka humarap kay Nanay sabay sabi ng
"Para sayo to Ne." Sabay kuha sa kamay ni nanay.Nagsimula na ang maharang pagtutog ng mga Instrumento na hudyat ng pagsisimula nito sa pagkanta.
"It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear
She puts on her make-up and brushes her long blonde hair
And then she asks me, "Do I look all right?"
And I say, "Yes, you look wonderful tonight."
YOU ARE READING
A Genuine Love
General FictionZephyr has a Wonderful kind of family that makes her believe in A Genuine Love. But what will happen if they encounter paroxysm that will ruined their Companionship and Life. Where exactly is this love going to take them? Will they be preserved by w...