Chapter Nine

86 10 0
                                    

Zephyr's POV

Days passed so fast. Ilang months na din simula ng guluhin ni San Juan ang Buhay ko. At ngayon kasalukayan kaming nagaayos na mga gamit namin. Buwan na ng abril Holy week na at gaya ng nakasanayan namin, nagsasama kami dahil mayroon kaming Pabasa. Habang nagaayos kami ng gamit hindi ka maiwasan ang mapangiti habang naririnig ko ang ingay ng mga kasama ko habang naghahanda din. Isang buwan na din ang nakakalipas simula ng nangyari ang pagtatalo nina Ate Eury at Kuya JM.

While I'm staring at them, I realized how Auspicious I am. They we're the most precious gift I've got without asking. And I am so blessed to have them in my life.

Sabi sakin dati ni Tatay

"Paligiran mo ang sarili mo ng mga taong pinagkakatiwalaan mo"

At ngayon hindi ko na kailangan humanap ng mga taong pagkakatiwalaan ko, dahil alam ko sa kanila palang sobra sobra na.
Hindi ako mabuting tao, pero sa bawat araw na kasama ko sila sobra sobrang pagpapala ang ibinibigay sa akin ni Bossing.

Hindi man kami mayaman sa pera, pakiramdam ko isa akong Billionarya sa pagmamahal na natatanggap ko sa aking pamilya.

"Ate Zep tulala ka dyan." Sabi ni Aria

"Wala lang masaya lang ako. Naisip ko kasi kahit na pantada na tayo ganto pa din yung samahan natin." sabi ko sabay ngiti

"Alam mo ako din, pero nakakaproud si tatay kasi kung hindi dahil sa kanya hindi tayo ganto." sabi nya.

"Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Ikaw talaga tara na nga maaga pa tayo bukas" Sagot ko sa kanya sabay halik sa noo nya.

"Ate tabi tayo kantahan mo ako" Sabi nya sa akin

"Ay sus nagpapalambing ang baby. Sya dine na tutulog na tayo"

Habang nakahiga sa kama sinusuklay ko ng daliri ko ang mga buhok si Ariadne habang kinakantahan gawa ng hiling nito. At sa paglipas ng oras unti unti na din akong kinakain ng antok ko.

-Kinabukasan

Maaga kaming nagsikilos. Miyerkules Santos na ngayon. Ngayon araw ang umuwi namin sa aming Probinsya sa laguna. At kasalukuyan kaming nagaantay ngayon ng oras ng aming pagaalis. Sa loob ng bus ang upo namin ay

Ako-Ate Eury Macy-Aridne
Kuya JM-KuyaGeoff Mikael-Kuya Jaan
Tita Cy-Kuya Zechariah

Oyesh! Kasama namin ngayon si Kuya Zechariah. Actually sa paglipas ng araw naging official na din sila. For almost one year, finally naamin na din ni Tita ang nararamdaman nya.

Tumagal ng halos apat na oras ang Byahe namin dahil sa may pagkatraffic din, madami din kasi kaming nakasabay na uuwi din sa kani kanilang probinsya.

Pagkakita ko palang sa sa arko na nagsasabi na nasa amin na kaming probinsya,ibang saya na ang aking nadama. Finally, I'm home. Pagkadating namin sa bahay ayon na nadon na din ang iba. Kasalukuyan silang nagaayos ng mga Poon para sa pabasa mamayang gabi. At pagkakita palang namin kay Tatay ayun siya at ang lapad ng ngiti habang papalapit sa amin.

"Mga apo!" Sabi nya sabay yakap sa amin.

"Tatay!" kanya kanyang sigaw namin habang patakbong lumapit kay Tatay na yumakap at humalik pa dito.

"Tatay namiss kita!" Sabi ko habang nayakap pa din dito

"Namiss din kita, kayo namiss ko!" Sagot nya saamin na may malawak na ngiti sa labi

"Tay Anlaki padin ng Tyan mo Hahahahahaha Joke! I Love You tay" Mapangasar na sabi ko. Na sinundan naman ng malakas na tawanan ng mga pinsan ko.

"Maloko ka talagang bata ka. Maiba ako. Nasan ang Nobyo mo Zep?" Sabi nya habang isa isa kaming tinitignan.

A Genuine LoveWhere stories live. Discover now