Nang makarating kami sa Theater, ganon nalang ang kabang naramdaman ko, nang makita ko ang dami ng tao ang manonood ngayon. Ang iba ay may mga hawak na placards para sa mga kani-kaniyang sinusuportahan, ang iba ay walang tigil sa paghiyaw habang sinisigaw ang pangalan ng sinusuportahang grupo.
Ang Loob ng theater ay disenyuhan ng mga pampasko. Nakasama kasi mga naghiyawan dahil sa excitement naming lahat. Lalo na nung nagsimula na ang programme at ipinakilala na ang mga judges. At muling gumapang ang aking kabang nararamdaman ng tinawag na ang unang grupo na presentor, ang grupo ng mga Arki kung saan kabilang sina Mikael at Ariadne. Nagulatang ang lahat sa engradeng props na may roon sila, halos umabot ng tatlong beses ang paglalabas nila ng ibat ibat uring props nilang pampasko. Malakas ang naging hiyawan ang natanggap nila ng magsimula hanggan sa matapos ang kanilang pagpepresenta.
Ang sunod na grupong magpepresenta ay ang grupo nina Kuya JM, Kuya Geoff at Macy, ang grupo ng mga Education. Maganda, malinis na pagpepresenta, at ang mga boses nila'y kay lalamig. At sinundan naman ito ng grupo nina Kuya Jaan, na isa sa may pinaka simpleng pagpeperform.
At ng matapos ang pagpepresenta ng grupo nina Kuya Jaan, kami ng aking mga kagrupo ay dali dali tumungo sa Back stage ng Theater. Ang pasabog naming may Smoke effect sa intro ay sinalubong ng malakas ng hiyawan, narinig ko ang iba na sinsagaw paulit ulit ang salitang "Food Tech". Nakakawindang ang malakas at paulit ulit nilang sigawan.
Sa unang ng pagawit ay kaming mga kababaihan ang nagsimula at ang mga kalalakihan naman ay tumutugon sa bawat namin pagkanta.
Ang nag sindi nitong ilaw
Hmmmm Hmmm wooah
walang iba kundi ikaw
Hmmmm Hmmm wooah
salamat sa liwanag mo
Hmmmm Hmmm wooah
muling mag kakakulay ang pasko
Woooaaaahh paskoooo
Sa unang kantang aming inawit kaming mga babae ang umaawit na animo'y isang Acapella habang ang kalalakihan ay sumasagot ng kanilang mahihinang himig.
Pasko nanaman
Hmmmm Hmmm wooah
ohh kaytulin ng araw
Hmmmm Hmmm wooah
paskong nagdaan tila ba kung kailanlang
Hmmmm Hmmm wooah
Ngayon ay pasko dapat ay pasalamatan
Hmmmm Hmmm wooah
Ngayon ay pasko tayo ay mag awitan
Sa ikalawang awitin naman kaming babae ang sumasagot ng mahihinang himig habang ang mga kalalakihan naman ang umaawit.
Pasko!
Pasko!
Nagsagutan kaming kababaihan at kakalakihan ng salitang pasko. Pagkatapos ay sabay sabay kaming umawit.
Pasko nanamang muli
Tanging araw nating pinaka mimithi
Pasko
Pasko
Pasko nanamang muli
Ang pag ibig mag hahari x2
Sa susunod namin awitin ay naglabas kami ng aming mga props ang tinatagong gawang Christmas tree ay inilabas na, at ang mga bilao na nasa aming paanan ay amin na ding itinaas. Mayroon itong iba't ibang disenyo ng samu't saring pagakain. Gumawa kami ng isang bilog sa harapan ng Christmas tree kami ay mga nagsiikot at tuwing mapapatapat ang isa sa gitna ay siyang taas niya ng kaniyang hawak ng bilaong may disenyo.
YOU ARE READING
A Genuine Love
General FictionZephyr has a Wonderful kind of family that makes her believe in A Genuine Love. But what will happen if they encounter paroxysm that will ruined their Companionship and Life. Where exactly is this love going to take them? Will they be preserved by w...