Chapter Twenty Three

103 9 12
                                    

Linggo ng umaga, Parang binibayak sa sakit ang ulo ko ng magising ako. Marahan akong bumangon habang nakahawak sa aking sentido. Tulog na tulog pa sina Macy, Ariadne at Tita Cy. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at naabutan kong, nakaupo sa salas ang tulalang si Ate Eury.

"Aga mo." Bungad na sabi ko ng makalapit dito.

"Nagutom ako eh." Tanging sagot na nasambit nito.

"Takaw." bubulong bulong na sabi ko.

Iginala ko ang aking mata at napapailing akong nakita ang mga kalat na hindi na namin nagawa pang ligpitin sa sobrang kalasingan.

"Ikaw na magimis, ikaw naman ang nagbirthday kahapon." Tatawa tawang sabi nito.

"Sinabi ko bang maghanda?" pagtataray ko naman dito.

"Arte mo." Sabi nito sabay kurot sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi simulan linisin ang mga kalat.

Sinimulan kong damputin ang mga nagkalat na bote ng alak, balat ng mga Chichirya na nagkalat sa sahig. Matapos noon ay nagsimula naman akong magwalis.

"Titignan mo lang talaga ako?" sabi ko sa nakatanaw lang sakin na si Ate Eury.

"Oo. Kung ako ang nagbirthday, ako gagawa niyan kaso ikaw." Mapangasar na sabi nito, inirapan ko lamang siya. At tatawa tawa naman itong nanonood sa akin.

Pinagsama sama ko lahat ng basura at ng matapos king ligpitin ang salas dumiretso naman ako sa kusina para doon naman mag linis. Nakasunod pa din si Ate Eury sa akin na animo'y bantay na tinitignan kung tama ang mga ginagawa ko, pairap ko siyang sinulyapan at tumawa na naman ito ng malakas. Hindi naman ganon kadami ang mga hugasin kaya sinimulan ko ng hugasan ang mga ito. Pagkatapos ay ininit ko sa microwave ang tirang pagkain.

"Sa may salas nalang ulit tayo hindi tayo kasya." Tumango nalamang ako sa sinasabi niya. Tinulungan naman ako ni Ate Eury maghanda ng mga pinggan at kutsara.

"Zep." tawag nito sa akin ng matapos kami. Lumingon lamang ako sa kaniya, at nagaantay ng kaniyang sasabihin.

"Paano kapag ano-"pambibitin nito sa akin. Hindi naman ako nagsalita at nagantay sa idudugsong niyang salita. Malakas itong napabuntong hininga at nagsimula ng magsabi sa akin. Tahamik lamang ako habang nagkukwento siya, hindi ko alam ang dapat kong sabihin pero isa lang ang alam ko mga oras na ito, isa lang ang nasisigurado ko. Ngayon niya kami mas kinakailangan. Nang matapos siya  sa kaniyang sinasabi tahimik itong nakatitig sa akin animong pinagaaralan ang naging reaksyon ko. Nakita ko ang kaniyang paglunok at mahahalata na talagang kinakabahan siya.

Lumapit ako sa kaniya niyakap siya sabay sabi ng
"Nandito lang kami." Mahinanong sabi sabay ngiti, ang kaninang nagaalala niyang tingin ay napalitan ng maginhawang ngiti.

"Salamat Zep." sabi nito at muli yumakap sa akin, ganantihan ko naman amg mga yakap na iyon.

"Sasabihin ko din sa kanila, nagiipon lang ako ng lakas ng loob." Mahinang sabi nito.

"Hindi namin kita pipilitin magsalita agad agad, pero kapag ready ka na dito kami. Bukas ang mga braso namin yayakap sayo, bukas ang tenga namin makinig. Bukas ang condo ni Zack." Sabi ko dito at marahan siyang natawa sa huling sinabi ko.

"Gaga ka talaga. I love you. An an ko." Pagpapacute na sabi nito.

"Kadiri pakinggan." nakangusong sabi ko. Maharan na naman niya akong kinurot.

"Chill Ateng masakit! Hanep!" reklamo ko dito, at tatawa tawa naman itong tumigil.
"Gisingin mo na sila." dagdag ko pa.

"Gisingin natin. Nawasted ang mga iyon, nagdagasa sina kuya kagabi papasok sa kwarto ni Zack." Iiling iling ngunit natatawang sabi nito.

A Genuine LoveWhere stories live. Discover now