Pagkapasok namin sa unit, sinalubong kami ng may kalakasan na tutugan at tawanan.
"Hanep! Akala ko ba aantayin niyo kami." Sabi ko sa kanila sabay upo sa tabihan ni Ate Eury na may hawak ng basong may lamang juice, habang si Zack naman ay walang lingon lingon nagdirediretso sa kaniyang silid.
Inabot sa akin ni Kuya JM ang dinampot na Beer, "Ang tagal niyo e. Uhaw na kami, may bumubulong na sa amin na uminom na kayong vitamins." Tatawa pang sabi nito sa akin. Na dinugsungan naman ng mga Loko ng paulit ulit na pagsabi ng salitang, "Vitamins! Vitamins!" Paulit ulit at malakas na kanilang sigaw, habang patuloy sa pagtawa. Pailing iling na lamang akong natawa sa kanilang mga inaakto.
Makalipas ang ilang sandali ay lumabas din sa kaniyang silid si Zack at hindi man lang ako nilingon at umupo sa tabi ni Kuya Jaan.
"Magkaaway kayo?" pabulong na tanong sa akin ni Ate Eury ng makita ang inasta ni Zack. Umiling na lamang ako bilang sagot. Ako man ay naguguluhan sa kaniyang inaasta ngunit siguro siya ay nagpipigil lamang na makagawa ng hindi tama.
Madami dami na din ang aming naiinom, halata mo ito sa dagliang pamumula ng iba at dumoble lalo ang ingay at gulo ng mga ito. Kanina pang pinatay ang malakas na tugtog, at ngayon naman ay malumanay na nagiistrum sa hawak niyang gitara si Mikael. Nagsimula itong umawit na sinabayan naman ng kaniyang kapatid. Sabay sabay nilang itinaas ang kanilang kamay at waring winawagay wagay, sadya namang may maganda at malamig na himig ang boses ang dalawang ito. Palihim akong tumingin sa aking gilid sa may bandang kaliwa kung saan nakapwesto sina Zack. Agad akong binawa ang aking tingin ng makita ko ang paninitig nito sa akin habang may hawak hawak na bote ng beer.
"Woooooh!! Ang galing galing niyo talaga! Pinsan ko iyan!" Sigaw ni Ate Eury habang nakataas pa din ang kaniyang kamay at pumapalakpak.
Natatawa naman itong sinuway ni Tita Cyrill, "Chillax ka lang mamsh, Bright hatid mo na sa loob ng silid si Eury masama sa buntis ang nagpupuyat." tumayo naman si Kuya Bright upang alalayan si Ate Eury, ngunit sinimangutan lamang nito ang nakatayo sa kaniyang tabihan at hindi ito pinansin, at muling humarap magkapatid. "Kanta ulit kayo, isa pa." Sabi pa ni Ate Eury na wari mo ay hindi pinagsabihan.
Natatawa lamang kaming nagkatinginan sa inasta nito. What a mood swing.
"Hindi mapupuyat si Eury at umaga, na alas tres na Lula." Pambabara naman ni Kuya Geoff dito, kaya't nagsimulang muli ang malakas na tawanan.
Pinagbigyan naman ito ng dalawa, at ng matapos ay hindi na ito sinabihan pang magpahinga at siya na mismo ang nagpaunang tumayo at pa kembot kembot pang naglalakad papuntang sa silid. Nang makaalis ito ay umupo naman sa aking tabihan ang kaninang pang nakatitig na si Zack, ganon na lamang ang kaba ko at hindi ko malaman kung dahil pa ito sa kaniyang walang humpay na paninitig o sa kaniyang biglang paglapit na sobrang dikit. Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagkaing nasa aking harapan.
Patuloy lamang ako sa pagpapak sa pagkain sa harapan ng may humapas sa aking kamay ng magtangka akong kumuhang muli, "Huwag kang kumpu hanep!" pagsisita sa akin ni Kuya Geoff.
"Epal!" tanging sagot ko dito.
Pagkatapos kong maubos ang pagkain (na pulutan) ay dumiretso akong kusina upang muling kumuha ng makakain at maiinom.
"Sayaw tayo!" Malakas na sigaw ni Macy habang hinihila papatayo ang nakaupong si Ariadne at muling binuksan ang malakas na tugtog. Nagkani kaniyang tayo ang mga ito, naglahad ng kamay sa akin si Zack upang alalayan ako sa pagtayo na akin namang tinanggap. Tumawa tawa ng malakas ang mga pinsan kong lalaki habang sumasayaw, para pa itong mga sirang naggrind sa kanilang hinilang upuan. I almost burst out laughing because of what they were doing. I looked away, because I might go crazy because of them.
YOU ARE READING
A Genuine Love
General FictionZephyr has a Wonderful kind of family that makes her believe in A Genuine Love. But what will happen if they encounter paroxysm that will ruined their Companionship and Life. Where exactly is this love going to take them? Will they be preserved by w...