Eury's POV
Sa pagdaan ng araw ng Martes at Miyerkules naging tutukan kaming lahat sa pagrereview. Ni halos hindi na kami gaanong nakakapagusap ng ayos, dahil sa pagaaral namin. Pagsapit ng araw ng Huwebes unang aral ng Final Exan heto kami at lahat handang handa ng sumabak sa animong laban.
"Good Luck satin." Maligayang sabi ko sa kanila.
"Kaya natin ito." dagdag na sabi ko pa."Hanep! Yakang yaka!" confident na sagot naman ni Zep na animo'y hindi naging tensyunado sa nakalipas na araw.
"Tara na. Baka malate pa tayo." natatawa tawang sabi naman ni Kuya JM. Nagkanikaniya na kaming paalam sa bawat isa, at nagkanikaniya na din puntahan sa kanilang classroom. Naiwan ngayon sa aking tabihan si Zep dahil hawak hawak ko ang kaniyang kamay. Nakangiti itong humarap sa akin.
"Good Luck ateng. Huwag mo na munang isipin iyon, tsaka nandito lang ako." sabi pa nito sa akin, tila hinaplos ang aking puso sa kaniyang binitawang salita.
"Sige na baka mahuli ka pa, tsaka naiinip na ata si Zack." Nangaasar na sabi ko naman ng lingunin ko si Zack sa kaniyang tabi.
"Inaantok lang iyan hayaan mo siya. Sige na ingat kayo. See you later." sagot naman nito sa akin. At naglakad na papaalis.
"Zep!" muling pagtawag mo dito, kaya ay muli itong tumigil sa paglalakad at lumingon sa akin.
"Pwede bang bukas pagkatapos ng Final Exam sa apartment ka matulog ulit?" tanong ko dito, natahimik naman ito at napabuntomg hininga ng malakas. At alam ko iniisip niya na baka nandon si Tita Loida.
"Wala si Tita, huwag kang magaalala." nakangiting dahdag na sabi ko pa dito. Lumingon muna ito sa katabi niyang si Zack, nakangiting tumango naman ito kay Zep."Sige ate, uuwi ako sa inyo. Uuwi ako sa apartment natin." Masayang tugon nito, at nakita ko ang marahan pagakbay ni Zack dito.
"Ingat kayo." Muli ay sabi ko, tumango lamang si Zep habang si Zack naman ay sulado sa akin at tuluyan na silang umalis.
"Sweetie, okay ka lang?" Mamaya maya ay tanong naman ni Bright sa aking tabihan.
"Oo naman. Sweetie, sasabihin ko na sa kanila after exam." Diretsong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Nandito lang ako." Sagot naman nito sabay gawad ng marahang halik sa akin noo. Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa lugar na aming pagkukuhanan ng Exam.
Habang nagtetake ng exam halos karamihan ay tahimik lamang nagsasagot, lahat ay halos seryoso para sa araw na ito. Sandali kaming nagkaroon ng break, pagkatapos ay muling bumalik sa pagsasagot ng examine. Nang matapos ang Examine para sa araw na iyon, nagkikita kami ng aming mga pinsan sa cafeteria. Tumambay muna sandali, nagkwentuhan at sama sama kumain. Pagkatapos ay nagpaalam na din kami kay Zep at Zack na hindi naman namin makakasama paguwi. Lahat excited para bukas, ang huling araw ng exam at ang araw na muling makukumpleto kami sa aming Apartment. At napagdesisyunan na matapos namin makasurvive sa exam ay magsasaya kami, na walwal all night kung tawagin ni Zep.
-
Pagsapit ng araw ng Biyernes, araw na inaantay namin ang araw ng pagtatapos ng examine. Kinakabahan, natutuwa at naeexcite ang tanging nararamdam ko sa araw na ito.
"Makakasama na ulit natin matulog si Ate Zep mamaya." maligayang sabi ni Ariadne habang nasa biyahe kami papuntang University.
"Nakakamiss!"
"Kumpleto ulit ang Aburido sa bahay Hahahahaha." Natatawang sabi naman ni Mikael.
Ewan ba kung anong naisipan nila pero aburido ang naging tawag namin sa aming lahat, kahit sa mga group chat aburido pa din. Kasalanan ito ng kabaliwanan nina Kuya at Zep, dahil daw mga asar kami kaya nakakasaar kaya kaysa sabihin nakakaasar aburido na lamang daw. Lawak ng utak.
YOU ARE READING
A Genuine Love
General FictionZephyr has a Wonderful kind of family that makes her believe in A Genuine Love. But what will happen if they encounter paroxysm that will ruined their Companionship and Life. Where exactly is this love going to take them? Will they be preserved by w...