Chapter Seventeen

129 10 0
                                    

Dahil sa pagod kakaiyak maaga akong nakatulog ng gabing iyon. Kinabukasan, huwebes ng umaga sinalubong ako ng umagang hindi ko kailan man kinasanayan at naranasan. Paglabas ko sa kwarto napakatahimik na kapaligiran ang aking nadatnan. Walang maingay, walang nagkukulitan, walang nagsisigawan, walang nagaasaran, wala dahil lahat sila tahimik at nakatulala at kung titignan mong mabuti ang bawat isa ay makikita mo pamumugto ng kani kanilang mga mata.

Sa paglipas ng oras, unti unti akong naliliwanan na hindi lang ako kung hindi lahat kami. Lahat kami nalulungkot, nahihirapan at nasasaktan pero heto ako nagpapalamong magisa sa lungkot, hirap at sakit.

Pero siguro tama nga na magliwaliw na muna ako. Dahil siguro nga kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. I need some space to breath. Hindi naman sa iiwanan ko sila pero kinakailangan ko munang magisa para makapagisip. Masakit para sa akin makita silang nasasaktan at nahihirapan dahil sa sarili kong kagagawan. Mahal ko sila at ayoko na ako ang maging dahilan ng pagkasira nila.

At hindi ko kakayanin na masira ang matayog nilang pangarap dahil sa kagagahan ko.

-

Pagsapit ng Biyernes. Maaga kaming nagising sa malakas na kalampag ng pintuan at bumungad sa amin ang strikta at mataray naming Tita na si Tita Loida.

"Aba buti naman at nagising kayo?" Pambungad na salita nya sa amin.

"Anong ginagawa nyo po dito?" Magalang na tanong ni Kuya JM.

"May natanggap na kaming tawag kahapon, Pinatatawag lang naman ang guardian niyo kakausapin daw mamayang hapon."
"Ano namang katarantaduhan ang ginawa ninyo?" Sarkistong tanong nya.

Sa sinabi pa lamang nya ay kinabahan na ako. Marahil ako ang magiging dahilan ng pagpapatawag sa kanila.

"Magsiayos na kayo at may pasok pa kayo, ako na ang maghahanda ng umagahan nyo." Taas noong sabi nito sabay diretso sa kusina.

Balisa parin ako hanggang ngayon. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman.

"Zep? Ayos ka lang?"Tanong ni Kuya Jaan ng makitang hindi pa din ako umaalis sa akong pwesto.

"Sorry."Tanging salitang nasambit ko habang nakayuko. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil sa sobrang kahihiyan. Pakiramdam ko wala na akong karapatan humarap sa kanila.

"Para saan?" Takang tanong.
"Zep, Look at me please."Sabi niya habang pilit inaangat ang aking mukha.
"Sh*t! Bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong nya.

Nagsisimula ng manikip ang aking dib dib dahil sa mga hikbing gustong kumawala.

"Sorry kuya. Alam kong kasalanan ko kaya nandyan si Tita." umiiyak na sabi ko sa kaniya. Nang bigla nya aking yakapin.

Fvck! Di ko deserve ang yakap mo kuya masama ako. Sobrang sama ko.

"Kung ano man yon hayaan na natin. Tsaka naiintindihan kita nasasaktan ka lang. Kaya please Zep tahan na."Sabi ni kuya habang nakayakap pa din sa akin.
"Tama na ang Iyak please. Araw araw ka nalang umiiyak."Dagdag na sabi pa nya. Habang ako tahimik na na umiiyak lang sa kanyang mga balikat.

"Tahan na." pagaalo pa niya

"Sorry. I'm so sorry. Sorry. Sorry" Paulit ulit na sabi ko sa kaniya habang umiiyak pa.

"Miss mo na sila ano? At paniguradong hindi ka din masaya." Tanong nya sa akin.

"Ang hirap Kuya. Sobra sobra."Sumbong ko sa kaniya habang patuloy pa din ang pagiyak.

"Mahirap pigilan ang puso lalo na ang nararamdaman, Pero gamitan mo din syempre ng utak. Dahil hindi sa lahat ng oras tama ang sinasabi ng puso at nararamdaman mo."Sabi pa sa akin. Habang patuloy sa akin.

A Genuine LoveWhere stories live. Discover now